1. Bago bumili ng isang produkto ay tinitiyak ni Miguel na ang kaniyang binibili ay sapat
lang sa kanyang pangangailangan. Nagdadala rin siya ng lalagyan ng kanyang ipinamili
upang hindi gumamit ng plastik ang kanyang pinagbilhan. Anong tungkulin ng isang
mamimili ang ipimalas ni Miguel?
A. Pagkakaisa at Aksyon
B. Mapanuring kamalayan at Kamalayan sa Kapaligiran
C. Aksyon at pagmamalasakit na Panlipunan
D. Pagmamalasakit na Panlipunan at Kamalayan sa Kapaligiran
2. Sa tuwing magpapasko, ako ay bumubili ng pangdekorasyon tulad ng Christmas light.
Sinisiguro kong ang aking binibili ay may tatak na ICC. Anong karapatan ng isang mamimili
ang aking natatamo sa ICC sticker na nakadikit sa aking biniling produkto?
A. Karapatang pumili
B. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
C. Karapatan sa kaligtasan
D. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
3. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran.
Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong
sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin
upang makatulong sa bansa?
A. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
B. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa
paaralan at sa komunidad.
C. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
D. Wala sa nabanggit.
4. Bilang isang mamamayang Pilipino, may ogligasyon rin tayong dapat gawin upang
makatulong sa pag-abot sa kaunlaran . Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin
upang makatulong sa bansa?
A. Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga Pilipino.
B. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa lipunan.
C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa
komunidad.
D. Lahat ng nabanggiguro
5. Sinu-sino ba ang dapat sama-samang kumilos para sa pambansang kaunlaran?
A. Mamamayan at pamahalaan C. Mamamayan at simbahan
B. Indibidwal at komunidad D. Mag-aaral at guro
6. Sa mga sumusunod na pahayag, alin ang hind totoo o walang katutuhanan tungkol sa
sama-samang pagkilos para sa pambansang kaunlaran?
A. Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan.
B. Ang mga mamamayan ay dapat makilahok sa pamamahala ng bansa.
C. Labanan ang anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng
lipunan at pamamahala.
D. Mag-aral at magtrabaho sa ibang bansa dahil mas maunlad ang kanilang
teknolohiya.
7. Isa pang mahalagang pinanggagalingan ng kaunlaran ay ang paglinang sa yamang tao o
human capital, paano mo ito magagawa?
A. Pangangalaga sa kalusugan, isip at katawan para maging produktibong
mamamayan
B. Maglaro ng mga online games hanggang madaling araw
C. Manood ng mga Korean movies
D. Libangin ang sarili sa face book, you tube at iba pa
Answer:
1.B. Mapanuring kamalayan at Kamalayan sa Kapaligiran
2.C. Karapatan sa kaligtasan
3.B. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa
paaralan at sa komunidad.
4.D.Lahat ng nabanggit
5.A. Mamamayan at pamahalaan
6.D. Mag-aral at magtrabaho sa ibang bansa dahil mas maunlad ang kanilang
teknolohiya.
7.A. Pangangalaga sa kalusugan, isip at katawan para maging produktibong
mamamayan