10 Salitang Nagsisimula Sa Kr

10 salitang nagsisimula sa kr

Answer:

10 Salitang Nagsisimula sa KR

Ang mga salitang may KR ay tinatawag na klaster. Ang klaster ay ang mga salita na may kambal katinig o may dalawang katinig na magkatabi. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng salita.

Narito ang sampung halimbawa ng salitang nagsisimula sa KR:

kriminal

Isang kriminal ang nakatakas at gumagala sa bayan.

krisis

Isang malaking krisis ang kinahaharap ngayon ng mga tao dahil sa covid.

krimen

Isang karumal dumal na krimen ang naganap sa kabilang bayan.

krema

Huwag mong kalimutan na bumili ng krema para sa salad mamaya.

krudo

Tataas na naman daw ang krudo sa susunod na buwan.

krayola

Iba’t ibang kulay ng krayola ang kailangan natin sa proyekto bukas.

krus

Malaking krus ang nakita namin sa labas ng simbahan.

kritikal

Kritikal ang lagay ng drayber matapos mabangga ang sinasakyan nito.

krusada

Krusada ang ginamit ng mga Europeo para mabawi ang banal na lungsod ng Jerusalem.

kritiko

Pasado sa mga kritiko ang talumpati na ginawa niya.

Para sa iba pang halimbawa ng klaster, alamin sa link:

https://brainly.ph/question/218132

https://brainly.ph/question/550782

#BetterWithBrainly

See also  Ano Ang Kahulugan Ng Pakinabang