Ano Ang Larong Football?Sino Ang May Alam Ng Larong Ito?​

Ano ang larong football?Sino ang may alam ng larong ito?​

Answer:

Ang futbol[1] ay isang uri ng sipaang bola o isports na nilalaro ng dalawang koponan, na may 11 manlalaro gamit ang isang bilog na bola. Ito ay nilaro na mahigit 250 milyong manlalaro sa 200 bansa, kung kaya’t ito ang pinakakilalang laro sa buong daigdig.[2][3][4][5] Ang laro ay tinatanghal sa isang hugis-parihabang batawan na may gol sa bawat dulo nito. Ang layunin ng laro ay maka-puntos gamit ang lahat ng parte ng katawan maliban sa kamay at braso, upang mapunta ang bola sa tunghuhin ng kalaban.

Explanation:

Bawat koponan ay binubuo ng 11 manlalaro. Isa sa kanila ang nagsisilbing goalkeeper o bantay sa pithaya o tunguhin (goal sa Ingles). Siya lamang ang maaaring humawak sa bola kung nasa loob lamang ng kanilang penalty area. Magsisilbi namang outfield player o outfielder ang sampu. Ginagamit nila ang kanilang mga paa upang galawin at ipasa ang bola. Maaari rin nilang gamitin ang ulo at katawan upang makakuha ng isang goal. Ang koponan na may pinakamaraming goal pagkatapos ng laro ay tatanghaling panalo. Kung sakaling magkapareho ng lamang ang dalawang koponan pagkatapos ng laro, maaaring tabla o magkakaroon ng labis na oras (o extra time sa Ingles) at/o isang penalty shootoutbatay sa mga panuntunan ng paligsahan. Ang Laws of the Game ay orihinal na sistema sa Inglatera ng The Football Association noong 1863. Ang futbol ay pandaigdigang nasasaklaw ng Fédération Internationale de Football Association o “FIFA” na nagpasimula ng FIFA World Cup na ginaganap tuwing apat na taon.

Ang Futbol ay tumutukoy ng madaming uri ng laro, tulad ng pagsipa ng bola upang makapunto. Ang salitang putbol ay sumasangguni sa kahit anong uri ng putbol ang sikat sa kontekstong rehiyon: association football (kilala din bilang soccer) sa Britanya; gridiron football (kilala bilang American football o Canadian football) sa United Stated at Canada; Australian rules football o rugby league sa iba’t ibang lugar sa Australia; Gaelic football ng Ireland; at rugby football ng New Zealand. Ang iba’t ibang putbol na ito ay kilala bilang football codes.    

See also  ANG PABORITO KONG NATUTUHAN SA PAG-AARAL EKONOMIKS... Patulong Po Pls.​