Ano ang sawikain ng nagbibilang ng poste
Ang sawikaing ito ay naglalarawan ng isang taong maraming oras dahil sila ay tamad at hindi makahanap ng trabaho. karaniwang ginagamit ito sa dialogo kung saan may naghahanap o nangungumusta ng isang tao at malalaman na ito ay walang trabaho. Ito rin ang isa sa pinakamadalas gamitin dahil sa kasalukuyang estado ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas.