"Ang Talinghaga Tungkol Sa May-ari Ng Ubasan" 2. Para Sa Iyo, An…

“Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan”

2. Para sa iyo, ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa dalawang uri ng manggagawa sa ubasan? Pangatwiranan.

3. Kung isa ka sa manggagawang maghapon nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw ngunit ang tinanggap na upa ay kapareho rin ng isang oras lamang nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit?

4. Kung isa ka naman sa mga manggagawa na tumanggap ng parehong upa kahit kulang ang oras mo sa paggawa, ano ang mararamdaman mo? Tatanggapin mo ba ang ibinigay sa iyong upa? Bakit?

5. Anong uri ng teksto ang binasang akda? Ipaliwanag. ​

Answer:

Buod”Ang talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan” at magbigay ng aral tungkol dito.(g9-193)

TALINGHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBASAN

(MATEO 20:1-16 BAGONG TIPAN)

Ang kaharian ng langit ay aitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maag upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan, t bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga sila. Lumabas na naman siya ng mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalimana ng hapon, siya’y lumabas muli at nakakita pa ng iba na wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit tatayo-tayo lang kayo rito buong maghapon?” “kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya, “ kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho kayo sa aking ubasan.”

See also  Matalinghagang Salita​

Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “Tawagin mon a ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula ng ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila ng higit pa roon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “ Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtatrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagparepareho ninyo an gaming upa?”

Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila,”Kaibigan, hindi kita dinaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak?” Kunin moa ng para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?”

“Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?”

Kahulugan ng talinghaga ng may-ari ng ubasan