Kahulugan Ng Thesis?​

kahulugan ng thesis?​

Answer:

IAng tesis o disertasyon ay isang dokumentong ipinasa bilang suporta sa kandidatura para sa isang akademikong antas o propesiyonal na kwalipikasyon na nagpapakita ng nasaliksik at natuklasan ng manunulat. Sa ibang mga konteksto, ang salitang “tesis” ay ginagamit na parte ng kursong Batsilyer at Masterado, habang ang “disertasyon” ay karaniwang ginagamit sa titulong doktor, habang sa ibang mga konteksto ang kabaligtaran ay totoo. Ang salitang graduate thesis (o tesis ng nagtapos) ay minsang ginagamit na pantukoy sa parehong tesis na Masterado at Pang-doktor na mga disertasyon. Ang mga disertasyon at mga tesis ay maaring maituring na akademikong literatura na hindi pormal na nailimbag.

Ang kinakailangan na pagkakumplikado at/o kalidad ng isang pananaliksik ng isang tesis o disertasiyon ay maaaring magkaiba depende sa bansa, unibersidad at/o programa, kung kaya ang kinakailangan pinakmaikli na oras ng pag-aaral ay maari ding magbago ng malaki sa katagalan.

Ang salitang disertasyon ay maaaring paminsan-minsang magamit para ilarawan ang isang detalyadong pormal na sanaysay tungkol sa isang paksa nang walang reslasyon sa pagkuha ng akademikong digri. Ang salitang tesis ay ginagamit rin sa pagtukoy sa pangakaraniwang pag-angkin ng isang sanaysay o katulad na gawa.

HOPE IT HELPS KEEP UP THE GOOD WORK YOU CAN DO IT☺❤❤

Answer:

A thesis or dissertation is a document submitted in support of candidature for an academic degree or professional qualification presenting the author’s research and findings.

Explanation:

See also  Para Sayo Ano Ang Kahalagahan O Symbolo Ng Medalya? Pera? Pamily...