Seleksyon Na May Mga Salitang Pamilyar At Di Pamilyar Na Salita

Seleksyon na may mga salitang pamilyar at di pamilyar na salita

Ang mga halimbawa ng ‘di pamilyar na salita’ ay ang mga sumusunod:

1. Alipugha – isang iresponsableng tao.
Halimbawa: Siya ay tinuring ng kanyang mga magulang na tila isang prinsesa kaya’t siya ay lumaking alipugha.

2. Talipandas – isang tao na makapal ang mukha.
Halimbawa: Si Aling Terry ay tinuring ni Mang Badong na parang isa tunay na kapatid ngunit dahil siya ay talipandas, hindi niya ito pinahalagahan.

3. Piging – isang uri ng handaan.
Halimbawa: Siya ay nasasabik na dumalo sa piging sapagkat kaarawan ng kanyang iniirog. 

4. Miktinig – mikropono o ‘microphone’ sa igles.
Halimbawa: Nag-iisa lamang ang miktinig ng karaoke kaya’t kami ay nag-uunahan sa paggamit nito upang kumanta.

5. Pang-ulong hatinig – Ito ay ang ‘headset’ sa ingles.
Halimbawa: Si Marco ay mahilig makinig ng musika kaya’t lagi niyang gamit ang pang-ulong hatinig.

Ang mga halimbawa ng ‘pamilyar na salita‘ ay ang mga sumusunod:

1. matalino – isang uri ng abilidad na mayroon ang isang tao.
Halimbawa: Siya ang laging bida sa aming klase dahil sya ay matalino.

2. natakot – 
Halimbawa: Pinanuod nya ang pelikula at siya ay natakot.

3. napasigaw –
Halimbawa: Siya ay napasigaw ng makita na nalaglag ang tasa sa sahig.

4. Hangos na hangos – pagod na pagod
Halimbawa: Hangos na hangos siya ng dumating dahil muntik na siyang mahuli sa kanyang klase.

5. panuto – instruksyon na pinagbabatayan para sagutan ang pagsusulit.
Halimbawa: Binasa niya ng mabuti ang mga panuto sa pagsusulit.

See also  Kailan Isinolat Ni Patrocinio V.villafuerte Ang Akdang Huling Hiling,hina...