Ano Ang Mensahe Ng Kabanata 46 Ng Noli Me Tangere Na Maiuugnay Sa Kasalukuyang Panahon…

Ano ang mensahe ng kabanata 46 ng noli me tangere na maiuugnay sa kasalukuyang panahon?

Answer:

Explanation:

       Marami ng pangalan ang nasira dahil sa sumira sa usapan, hindi tumupad  sa pangako o kaya ay tumakbo sa isang responsiblidad. Sa isang tao, ang dapat niyang ingatan ay huwag masira ang kanyang dignidad o karangalan. Dahil kapag ito ay nawala, kahit sino ay hindi ka na mapagkakatiwalaan.

          Isa sa katangian na dapat taglayin ng mga tao upang siya ay pagkatiwalaan ay ang pagiging totoo sa lahat ng sandali.tapat siya sa kanyang sinasabi at nakikita ito sa kanyang ikinikilos at sa kanyang ginagawa. Tulad sa kabanata, sino ang taong kaduda-duda ang karakter?

         Pinasimulan ang kabanata sa isang araw na pangilin na nakagawian  na ng maga mayayaman ang magsabong kapag dumarating ang araw ng Linggo. Ito ay pinauunlad upang pagkakakitaan. Ito ay isa sa masamng hilig ng bayan at mas masidhi kaysa sa paghithit ng apyan ng intsik.  

           Sino sa kabanata ang hindi dapat pagkatiwalan? Kung susuriin ang kabanata, maaaring sabihing si Lucas ang hindi maaring pagkatiwalaan. Bakit nay hawak siyang supot? Kanino galing ang salaping ito? Tunay nga bang si Ibarra ang nag-utos upang magkaroon ng pag-aalsa? Hindi ba ang masisilang suliraninn iyon ay hindi dapat ipinagkakalat. sa ganong kalagayan ipinagkamapuri pa niya kung sino ang makapagsasama ng marami pang tauhan sa pag-aalsa sa kumbento at kuwartel ay makakatanggap ng dobleng kabayaran.

Answer:

Katulad din ng iba pang bayan ng pilipinas, may sabungan din sa San Diego.Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pabli,Kapitan Basilio at Lucas.Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada,ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiingut sa mga pumupusta

See also  KABATAAN, Tunay Kang Pag Asal Claivain Pumili Ng Isa Sa Mga Larawan Sa Iba...