Talasalitaan sa ibong adarna
Answer:Aarok – pagsukat sa lalim ng tubig gamit ang sariling katawan o ibang pansukat.
Aba – dukha
Aglahi – pangungutya o pagmamaliit ng isang lahi.
Alumana – pag-aasikaso.
Antak – matinding sakit mula sa natamong sugat.
Armenya – bansa sa timog-kanlurang Asya na napapalibutan ng mga bansang Turkiya, Georgiya, Turkiya, Georgia, Iran at Azerbaijan.
Balintuna-isang pahayag na sumasalungat sa umiiral na paniniwala.
Bawa – bawal; bawas; bawat
Berbanya – lugar na kathang-isip lamang ng may-akda
Binabata – tinitiis na pagdurusa.
Bulaos – ito ang daanan ng mga hayop tungo sa inuman at paliguan nila
Bumbong – isang sisidlan nakaraniwang gawa sa kawayan.
Daluhong – isang biglaang paglulusob
Datay – nakaratay dahil sa sakit
Dawag – baging na may maliliit, matitinik na bulaklak.
Dayap – sitrus; halaman namay maasim nabunga
Dumaratal – dumarating
Dunong – talino o kaalaman
Duruan – tusukan; tuhugan
Garing – pangil ng elepante na matigas at kulay puti
Gulod – mataas na pook, burol o talampas
Hapag – mesa na gawa sa kawayan
Hapo – paghingal dahil sa pagod
Hibo – sulsol
Hungkag – walang anumang laman
Ihugos – ipababa ang isang bagay mula sa kinalalagyan nito gamit ang lubid.
Ilog Jordan -ilog na nagsisilbing hangganan ng Israel at Jordan. Dumadaloy ito pa-timog mula Syria.
Inimbulog – pinalipad pg mataas
Kaniig – taong kinakausap ng matalik
Kapara – kapareho
Karbungko – batong matingkad at kulay pula
Karosa – malaking karwahe
Katad – pinatuyong balat ng hayop.
Kawasa – matatag.
Kinatigan – pinanigan o kinampihan.
Kinaurali – nakipagsabwatan.
Kuhila – taong taksil
Labaha – matalas na kasangkapan na ginagamit bilang pang-ahit ng balbas o buhok.
Lango – lasing
Linsad – wala sa wastong pagkakalagay o ‘di kaya ay pagkakapuwesto
Luhog – pakiusap o pagsamo.
Lunos – pagkaawa; hindi lumiliyab na kahoy.
Magkamayaw – magkaroon ng gulo
Magniig – malapit na kaugnayan ng dalawang tao
Malirip – masisid nang malalim; mapagbulaybulayan.
Mapugto – maputol; huminto o tumigil
Mili – sapagkat
Munsing-munsing – maliliit o mumunli.
Muog – tanggulan
Nabahaw – ang paggaling ng sugat
Naduhagi – nabigo.
Nagahis – nadaig ng lakas o kapangyarihan
Nag-inot – dahan-dahan.
Nagpisan – magkasamang manirahan sa iisang tahanan.
Nagulantang – nagulat.
Nakatalos – nakaunawa.
Nahapis – nalungkot; naawa sa sarili
Namitig – napulikat.
Napaghulo – napag-isipan o nasuri
Napaglining – napag-isipang mabuti; napagbulaybulayan.
Napagsapit – nangyari; nalaman
Natilihan – natigilan.
Nilalik – bakal o kahoy na ang hubog ay pinakinis.
Nililimi – sinusuring mabuiti
Nagnuynoy bulay-bulayin.
Natambad – nalantad
Olikornyo – ibong pinangangalagaan ng tao
Pagkadaop – pagkakalapat ng mga kamay tulad na lamang ng nagdarasal; pagkasanib
Pantas – matalinong tao
Piedras Platas – puno na likhang-isip ng may-akda
Prasko – isang bote na karaniwan ay kulay berde at nilalagyan ng tubig o alak.
Renda – istrap na nakakabit sa magkabilang dulo ng bara sa bibig ng kabayo upang ito’y makontrol.
Salaghati – sama ng loob.
Salamisim – alaala.
Saliwa – magkabaligtad na pares.
Sampaga – sampaguita.
Sangkalan – isang blokeng ginagamit na hiwaan.
Sansalop – sukat na katumbas ng tatlong litro
Sapala – imposible o hindi maaaring mangyari.
Sapin-sapin – nagkapatong-patong.
Simboryo – bubong nahugis kalahating bilog.
Siphayo – pang-aapi.
Suson – isang panloob nakasuotan
Sutla – pine, makintab at malambot na sinulid o sedang gawa mula sa himaymay ng silkworm.
Tabor – bundok sa Hilagang Israel malapit sa Nazareth na may 1,929 talampakan ang taas.
Tinangisan – pag-iyak dulot ng matinding pagdadalamhati.
Tinitikis – sinasadya
Tumalima – sumunod
Tumok – ang malagong pagtubo ng dame
Ukilkil – panggigiit
Umugin – bugbugin
Uslak – hangal; tanga
Explanation: