Araling Panglipunan Grade 6 Mga Pagbabago Sa Panahon Ng Amerikano​

araling panglipunan grade 6 mga pagbabago sa panahon ng amerikano​

Answer:

Maraming mga pagbabago ang naganap sa pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano. Narito ang ilan sa mga ito:

1. pagsasaayos ng edukasyon sa Pilipinas

2. pagsasaaayos ng pamayanan

3. pagpapaunlad ng agham, teknolohiya at kalusugan

4. pagpapaganda ng transportasyon at komunikasyon

5. pagpapaganda ng agrikultura

6. pagpasok ng mga bagong pagkain at damit

7. pagganda ng estado sa lipunan ng mga kababaihan

Mga Pagbabagong Pamumuhay sa Panahon ng mga Amerikano

Narito ang ilan lamang sa mga pagbabago na naganap sa pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga Amerikano:

1. Pagsasaayos ng edukasyon sa Pilipinas – Maraming mga pampublikong paaralan ang itinayo at itinuro rin ang wikang Ingles sa mga mag-aaral.

2. Pagsasaaayos ng pamayanan – Sa panahon ng mga Amerikano, nahati-hati o naisama-sama ang mga pamayanan para maging mas organisado ang mga ito.

3. Pagpapaunlad ng agham, teknolohiya at kalusugan – Maraming mga gamot at pagamutan ang ipinasok sa bansa.

4. Pagpapaganda ng transportasyon at komunikasyon – Nagkaroon ng mas maraming mga sasakyang pantubig, sasakyang panghipapawid, tulay, kalsada, kotse, motorsiklo, telepono at mga mail.

5. Pagpapaganda ng agrikultura – Gumawa ng mga makabagong pananaliksik, patubig at mas maayos na irigasyon ang mga Amerikano.

6. Pagpasok ng mga bagong pagkain at damit – Naipasok ang mga bagong pagkain kagaya ng mga de lata, hamburger, french fries, at iba pa. Naging mas maikli rin ang mga pananamit ng mga babae.

7. Pagganda ng estado sa lipunan ng mga kababaihan – Sa panahon ng mga Amerikano, maraming mga kababaihan ang natapos sa pag-aaral at nagkaroon ng magagandang trabaho.

8. Pagganda ng kalakalan at industriya – Sa panahon ng mga Amerikano, nagkaroon ng mga makabagong makina at pabrika sa Pilipinas.

Pananakop ng mga Amerikano

– Ang pananakop ng mga Amerikano ay tumagal nang apatnapung taon.

– Sila ang nanakop sa Pilipinas matapos sakupin ng mga Espanyol ang bansa.

Explanation:

See also  Kung Papipiliin Ka Saan Mo Gustong Mabuhay? Sa Nakaraan O Sa Hinaharap?...