Kuwento Ng Alamat Ng Pinya​

kuwento ng alamat ng pinya​

Answer:

Noong unang panahon, may isang balo na nag ngangalang Rosa. Si aling Rosa ay may isang anak na babae. Ito’y si Pinang.

Si Pinang ay mahal na mahal ng kanyang ina, tinuruan nya ang anak sa mga gawaing bahay. Ngunit si Pinang ay madalas na may katwiran sa tuwing inuutusan ng kanyang ina.

Isang araw ay nagkasakit si aling Rosa, dahil hindi makabangon ay napilitan si Pinang na gumawa sa gawaing bahay.

Inutusan ni aling Rosa na magluto ng lugaw si Pinang at agad naman itong kumilos ngunit kalaunay lumabas din ito ng bahay para maglaro. Dahil napabayaang nakasalang ang lugaw, namuo at nanikit ang ilalim nito sa palayok. Nagpasensya na lang si aling Rosa, kahit papaano nga nama’y napagsilbihan sya nito.

Ilang araw pa ay si Pinang na ang kumilos sa bahay. Nung minsang magluto ay hindi nito makita ang sandok. Lumapit ito sa ina at nagtanong. Nainis si aling Rosa.

“Naku Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at nang hindi kana tanong ng tanong”.

Dahil sa inis ng ina ay tumahimik na lang si Pinang.

Umalis si Pinang upang hanapin ang sandok. Kinagabihan ay lubhang nag-alala si aling Rosa sapagkat hindi pa bumabalik si Pinang. Napilitang bumangon at tawagin ang anak ngunit walang lumapit sa kanya.

Lumipas ang mga araw, habang nag wawalis, nakita ni aling Rosa ang isang misteryosong halaman na tumubo sa kanilang silong. Kalaunay namunga ito. Nagulat si aling Rosa sa kadahilanang ang bunga ay tila maraming mata.

See also  Sumulat Ng Tigtatlong Paraan Kung Paano Ka Makakasulat Ng Tula, Talamb...

Doon nya napagtanto ang huli nyang sinabi sa nawawalang anak na magkaroon sana ito ng maraming mata.

noong unang panahon May nakatira ng mag ina sa isang malayong pook. ang ina ay si aling Rosa at ang anak na si pinang. mahal na mahal ni aling Rosa ang kaniyang bugtong na anak kaya lumaki si pina ng sa layaw .gusto ng ina na matuto si pinang ng gawaing bahay ngunit laging ikinakatwiran ni pinang na alam na niyang gawin ang mga tinuturo ng ina. kaya’t pinapabayaan na lang niya ang kanyang anak. isang araw nagkasakit si aling rosa. hindi sya makabangon at makagawa ng gawaing bahay inutusan nya si pinang na magluto ng lugaw. isinilang ni pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro . ang lugaw ay dumikot sa palayok at nasunog . magpasensya nalang si aling rosa mapag silbihan naman siya kahit paano ng anak. nagtagal ang sakit ni aling rosa kaya’t napilitang si pinang gumawa sa bahay. isang araw sa kanyang pagluluto hindi nya makita ang posporo. tinanong ang kaniyang ina kung nasaan ito isang beses naman sandok naman ang hinahanap. ganoon ng ganoon ang nangyayari .walang bagay na hindi makita at agad ang kaniyang ina . nayamot si aling rosa sa kakayaning ng anak kaya’t nawika nito naku! Pinay sana magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong ng tanong saakin. dahil alam niya na galit na galit ang kaniyang ina ay hindi na umimik si pinang. umalis sya upang hanapin ang sandok na hinahanap kinagabihan wala si pinang sa bahay . nabahala si aling Rosa tinatawag nya ang anak pero hindi sinasahot. napalitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain. paglalaan ng ilang araw ay magaling na si aling rosa. hinahanap nya si pinang tinatanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanilang Anak. ngunit naglahong bigla si pinang . hindi na nakita ni aling Rosa si pinang isang araw May nakitang halaman si aling rosa sa kaniyang bakuran . hindi nya alam kung anong uri ng halaman ito. inalagaan ng mabuti hangang sa ito’y magbunga. laking mangha ni aling rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. ito ay hugis uli ng tao at napapalibutan ng mga mata. biglang naakala ni aling Rosa ang huling sinabi niya kay pina na sana magkaroon ito ng maraming mata para makita ang hinahanap tahimik na nanangis si aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. inalagaan niya itong mabUTI at tinawag itong pinang sa palipat lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya

See also  Halimbawa Ng Kwentong Dagli.