Magbigay Ng 5 Matalinghagang Salita,isulat Ang Kahulugan Nito At Gamitin Sa Pa…

magbigay ng 5 matalinghagang salita,isulat ang kahulugan nito at gamitin sa pangungusap.​

Answer:

Makipaglaro ng apoy/ Naglalaro ng apoy

Kahulugan: Ito ay may kahulugan na pagtataksil sa asawa o karelasyon o anumang gawain na makapaglalagay sa alanganin ng isang relasyon.

Sinasabing nagmula ang talinhagang ito mula sa konsepto ng init na nararamdaman ng tao kahit sa hindi niya karelasyon. At kapag nangyari na ito, tila isang apoy daw na nakapapaso ito ng relasyon na minsan ay nauuwi pa sa pagkatunaw o pagtatapos.

Kahalagahan: Mahalaga ito dahil maliban sa pagiging isang matalinhagang salita, nagsisilbi rin itong babala sa mga taong nais gumawa ng panloloko sa kanilang kapuwa.

Tandaan na sa maraming pagkakataon ay iniiwasan natin ang apoy dahil ito ay nakapapaso o nakaaabo ng mga ari-arian.

Kabiyak ng puso

Kahulugan: Ito ay nangangahulugang sinisinta, asawa, o sinumang minamahal na nais pakasalan.

Sinasabing kabiyak ng puso ang isang minamahal dahil magkasama na sila sa mga desisyon sa buhay at iisa na ang tinitibok ng kanilang puso.

Kahalagahan: Nakikita ang halaga ng matalinhagang salitang ito bilang salita na ginagamit sa mga tula, sanaysay, o iba pang sulatin na tumutukoy sa damdamin.

Sinasabi rin nito ang tunay na anyo ng pagmamahal ay nakikita sa itinitibok ng puso at maaaring magkaroon ng maganda at maayos na koneskisyon sa isa’t isa.

Pag-iisang Dibdib

Kahulugan: Ito ay nangangahulugan ng kasal o wagas na pagsasama ng magkasintahan. Nagmula ang talinhaga na ito dahil sa sermonyang idinaraos upang pag-isahin ang dalawang taong nag-iibigan na tinatawag na kasal.

Ipinakakahulugan nito na ang dalawang nagmamahalan ay dapat iisa na lamang sa maraming bagay sa kanilang buhay.

See also  Gawain Sa Pagkatuto Bilang &: Llarawan Ang Mga Sumusunod Na Tauhan. 1. Herman...

Naniningalang Pugad

Kahulugan: Ito ay pantukoy sa isang taong nag-uumpisa nang magparamdam ng kanyang damdamin sa napupusuan niya. Sa madaling sabi, siya ay nanliligaw na o nanunuyo na para maging kaniyang nobya.

Nagmula ang katagang ito sa paghango sa gawain ng mga ibon. Ang pugad ng isang ibon ay karaniwang nasa taas ng puno na hinahanap naman ng ilang lalaking ibon upang lahian at doon makapangitlog.

Kahalagahan: Ang anumang salitang ginagamit para sa pagpapakita ng pagmamahal ay mahalaga, lalo na sa mga pagkakataong nag-uumpisa pa lamang ipakita ng isang tao ang kaniyang damdamin.

Mas mainam na gamitin ang mga ganitong uri ng salita upang isalarawan ang namumuo pa lamang na pagmamahalan at hindi magambala ang anumang sumisibol sa pagitan ng dalawang tao.

Haba ng buhok

Kahulugan: Ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay mayroong nararanasan na nagbibigay sa kaniya ng pakiramdam na siya ay maganda o espesyal.

Nag-ugat ito sa paniniwala ng mga Pilipino na ang mga dugong bughaw na kakababaihan ay maganda tulad ng mga prinsesa at reyna. Kaya naman kapaga sinabihan kang mahaba ang buhok ibig sabihin ay espesyal ka.

Kahalagahan: Ito ay mahalaga sapagkat sinasalamin ng idyomang ito ang isang makulay na kultura ng mga Pilipino kabilang ang pagkilala sa mga nasa kapangyarihan.

Ang isang tao na mayroong mahabang buhok ay isang espesyal na tao na pinagtitibay ng mga tala ng kasaysayan.

Answer:

  1. buto’t balat – Si Angel ay buto’t balat na dahil ilang araw na syang hindi kumakain.
  2. balat sibuyas – Kalalaking tao ni Jelo siya’y bala’t sibuyas.
  3. ilaw ng tahanan – Si Gina na ang nagsilbing ilaw ng tahanan sa kanilang magkakapatid dahil namatay na ang kanilang ina.
  4. bukal sa loob – Bukal sa loob ang pagbigay ko ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo
  5. bukas palad – Si Mino ay bukas palad, lalo na kung may kailangan ng tulong.
See also  Ano Ang Literal Na Kahulugan Ng: -Langit -Bulaklak -palad -ilaw -ahas

Explanation:

sana nakatulong 🙂

pa mark po ng brainliest

its ok if u dont want