Tungkol Saan Ang Anti-violence Against Women Act

Tungkol saan ang anti-violence against women act

Ano ang VAWC?

Ang Anti-Violence Against Women Act ay kilala rin bilang Republic Act 9262, na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong March 2, 2004.  Ang VAWC ay kumakatawan sa Violence Against Women and Children na pumuprotekta sa mga kababaihan at mga bata sa Pilipinas mula sa pananakit ng mga lalake lalo na ng isang asawa o isang ama.

Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga babae mula sa kanilang asawa, kinakasama, nobyo o dating karelasyon. Dahil apektado sa pang-aabusong ito o minsan ay nadadamay ang mga anak, inilakip sa panukalang batas ang proteksiyon maging sa mga bata. Ang pangyayari ay pwedeng sa loob o labas ng tahanan. Hindi tinatanggap sa korte ang pagdadahilang lasing o lango sa droga ang nasasakdal.

  • Ano ang parusa ng paglabag sa Anti-VAWC?

Depende sa bigat ng krimen, naglalaro mula sa Php 100,000 hanggang Php 300,000 ang  danyos na babayaran ng napatunayang may sala.  

  • Sino ang pwedeng kasuhan ng VAWC?

Ang isang lalakeng  nang-abuso na:

  • asawa o dating asawa
  • karelasyon  o dating karelasyon  
  • kapareha sa kama (may relasyon man o wala)

Sa kaso ng mga bata, pwedeng kasuhan ng VAWC ang ama o ama-amahan ng batang may edad 18 pababa kapag siya ay nang-abuso.

  • Sino ang maaaring magsampa ng kasong VAWC?

Maaaring magsampa ng kasong VAWC ang mismong inabuso, ang kamag-anak o kaibigan ng inabuso o kahit kapitbahay o sinumang saksi na may malasakit sa taong inabuso.

  • Anu-ano ang indikasyon ng VAWC?

Kapag may nangyayaring pang-aabusong

  • Pisikal (kahit anong uri ng pananakit sa katawan)
  • pamimilit  o pambubugaw)
  • Sikolohikal ( pamamahiya o kahit na anong may kinalaman sa panggugulo sa kanyang utak)
  • Pinansiyal (hindi pagsustento sa mga anak, sapilitang pagkontrol sa kita ng babae o lahat ng hindi makatarungang gulo na may kinalaman sa salapi)
See also  Ano-ano Ang Mga Batas Ng Ating Bansa Na Pumoprotekta Sa Mga Kab...

Para sa karagdagang kaalaman maaaring sumangguni sa :

https://brainly.ph/question/2063033

https://brainly.ph/question/1339603