Salik Na May Kaugnayan Sa Paghahanap Ng Kurso At Trabaho

Salik na may kaugnayan sa paghahanap ng kurso at trabaho

Answer:

Sa paghahanap ng kurso sa kolehiyo at paghahanap ng maayos na trabaho maraming dapat tayong isa-alang alang at bigyan ng pansin. Dapat na tayong mgakaroon ng sariling pagpapasya kung akma at sapat ba ang ating mga kakayahan at abilidad sa kursong ating kukunin at sa trabahong ating hahanapin.

Mga Salik na may Kaugnayan sa Paghahanap ng Kurso at Trabaho

  • TALENTO – ito ay isang biyaya at likas na kakayahang kailangang tuklasin dahil ito ang magsisilbi mong batayan sa pagpili ng tamang kurso at trabaho . Isang hamon ito upang malaman mo kung ano bang kakayahan ang nais mong paunlarin.
  • KASANAYAN O SKILLS – Ang mga kasanayan ay mga bagay kung saan tayo mahusay o mahilig. Sa pagpili ng iyong kurso at trabaho dapat yung alam mo na at sanay ka na, para hindi ka na mahihirapan pa at kung akma ba  ang iyong abilidad para dito.
  • HILIG O INTEREST – nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso at higit pa dun magiging masaya ka sa gagawin mo dahil bihasa ka na sa larangang pipiliin mo.
  • PAGPAPAHALAGA – ito ay tumutukoy sa mga bagay na ating binibigyang halaga. Ang mga ipinamamalas na pagsisikap na abutin ang mga ninanais sa buhay at pahalagahan ang mga bagay na iyong makukuha bunga ng paghihirap at mga pagsisikap mo.
  • KATAYUANG PINANSIYAL  – ito ang katayuang pinansiyal ng iyong mga magulang o ng mga taong nagbibigay ng suporta sa iyong pag-aaral. Isa itong aspeto na nararapat na bigyan ng atensyon, dapat bago ka pumili ng iyong kurso dapat ay sapat at kaya ng pamilya mo para matustusan ang pag-aaral mo, kailangang isasaalang-alang mo muna ito upang maipagpatuloy mo at upang matapos mo ang mapipili mong kurso.
  • MITHIIN o GOALS – dapat na mag set ka ng golas o mithiin sa iyong buhay dahil ito ang gagabay sa iyo at magsisilbing inspirasyon mo para magtagumpay sa kursong iyong pipiliin. Kung ngayon palang ay matutuhan mong bumuo ng iyong personal na misyon sa buhay, hindi malabong makamit mo ang iyong mithiin sa buhay at sa iyong hinaharap.

Para sa karagdagan pang kaalaman, magtungo sa link na:

Kahalagahan ng pagpili ng Track o kurso sa Senior High School: brainly.ph/question/548749

#LetsStudy

See also  Halimbawa Ng Repleksyon Na Nagpapahayag Ng Pasasalamat Sa Ta...