Sumulat Ng Isang Tula Tungkol Sa Pag-ibig Angang Tula Ay Binubuo Ng Da…

sumulat ng isang tula tungkol sa pag-ibig angang tula ay binubuo ng dalawang saknong apat na iyan na may sukat at tugma sa bawat dulo ​

Answer:

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman

Kung paano kita pinakamamahal?

Tuturan kong lahat ang mga paraan,

Iisa-isahin, ikaw ang bumilang

Iniibig kita nang buong taimtim,

Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,

Lipad ng kaluluwang ibig na marating

Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay

Ng kailangan mong kaliit-liitan,

Laging nakahandang pag-utus-utusan,

Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking

Dahil sa katwira’y hindi paaapi,

Kasingwagas ito ng mga bayaning

Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,

Tulad ng lumbay kong di makayang bathin

Noong ako’y isang musmos pa sa turing

Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay

Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,

Na nang mangawala ay parang nanamlay

Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,

Ngiti, luha, buhay at aking hininga!

At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

Malibing ma’y lalong iibigin kita

See also  Katutubong Kasuotan Mga Imahe​