halimbawa ng talaarawan
Answer:
Mahal kong Talaarawan,
Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa paaralan.Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsisipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin ay hinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit ko sa ngipin.
Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa “BBQ-han” at pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito.
Nagmamahal, {name mo)
Explanation:Ang talaarawan ay isang pang araw-araw na tala. Ito ay naglalaman ng personal na karanasan, pangyayari, saloobin, obserbasyon at pananaw. Kadalasan, ito ay patungkol sa mga nagawa ng tao sa araw araw.