1. Sino Ang Puwedeng Gumawa Ng Talaarawan? 2.Anu-ano Ang Mga Nilalaman Ng…

1. Sino ang puwedeng gumawa ng Talaarawan?

2.Anu-ano ang mga nilalaman ng Talaarawan?

3. Paano naisulat ang ang talaarawan?

4.Bakit mahalaga ang pagsusulat ng Talaarawan?

5. Ano ang magandang dulot ng pagsususlat ng talaarawan o Journal?​

Answer:

1. Kahit sino ay maaring sumulat o gumawa ng kanyang sariling Talaarawan.

2. Ang Talaarawan ay pagsasalaysay ng lahat ng mga nangyari sa araw na iyon. Ito rin ay maaaring maglaman ng mga repleksyon o mga saloobin ng nagsusulat tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao.

3. Nakasulat ang araw, petsa, at oras kung kailan ginawa ang Talaarawan. Sa ilalim nito ay ang pagsasalaysay sa mga nangyari at ang mga nararamdaman noong araw na iyon.

4. Mahalaga ang pagsusulat ng Talaarawan sapagkat dito maaari nating maitala ang mga mahahalagang kaganapan sa ating buhay. Ito ay isang paraan ng pagdodokumentaryo na siyang maaaring gawing sanggunian sa hinaharap.

5. Sa pagsusulat ng Talaarawan, mas magiging mapagmasid tayo sa nangyayari sa atin at sa paligid natin. Mas nagiging sentimental tayong tao sapagkat nais nating itala ang mga mahahalagang nangyari sa ating buhay. Nakagagaan din ng loob ang pagsusulat ng Talaarawan lalo na kung may mga bagay kang nais sabihin ngunit hindi mo masabi sa ibang tao. Maaari mong ibuhos ang iyong damdamin sa pagsusulat ng Talaarawan. Panghuli, maaari mong balikan ang iyong mga naisulat at magbalik tanaw sa mga masasaya at hindi masasayang alaala ng iyong buhay.

See also  Ilan Ang Sukat Ng Tula Sa Bawat Taludtod Ng Kabayanihan?​