Kabanata 4 El Fili Buod​

kabanata 4 el fili buod​

Answer:

Kabanata 4: Kabesang Tales

Buod

Si Tandang Selo na umampon kay Basilio at si Telesforo o mas kilala bilang si Kabesang Tales na anak ni Tandang Selo ay naninirahan dati sa pusod ng gubat. Si Kabesang Tales ay naging isang kabesa de barangay. Siya ay nakisama pansamantala sa isang namumuhunan sa bukid. Dahil sa tiyaga ni Kabesang Tales, siya ay yumaman. Nang nakaipon siya ng kaunti, hinawan nila ang gubat sa may hangganan ng bayan na ipinagtanong niya ay walang may-ari at ginawang tubuhan. Nang umunlad ang bukid, ito’y inangkin ng mga prayle. Hindi ito binawi kay Kabesang Tales ngunit pinagbayad naman sila ng buwis na 20 0 30 piso. Pumayag si Tales hanggang sa tumaas ng tumaas ang singil at siya’y ginawang Kabesa o taga kolekta ng buwis. Kapag may hindi nagbabayad, siya ang tumutubos nito at dahil dito siya ay nalugi. Tumutol si Tales ng itinaas ang upa sa dalawandaang piso at sinabi niya na hanggang walang nakakapaghukay at nakakapag araro sa lupa niya ng dugo at nawalan ng asawa at anak, hinding hini niya ito ibibigay.Dahil sa pang-aapi ng mga prayle at makakapangyarihan, siya’y nalublob sa utang, at naghimagsik;  Hindi na nakapag aral si Juli at hindi rin natubos si Tano sa hukbo ng pagka guwardiya sibil. Nakidnap si Tales at hiningian ng limangdaang piso kapalit ng kanyang paglaya. Ibenenta na nila Juli at Tandang Selo ang lahat ng kagamitan ngunit hindi pa rin ito sapat kaya’t namasukan si Juli kay Hermana Penchang at maglingkod bilang utusan. 

See also  Bakit Maganda Mag Tayo Ng Coffee Shop Sa Tagaytay? Explain​