Buod Ng Kabanata 28 El Fili

Buod ng kabanata 28 el fili

Answer:

kabanata 28:

Explanation:

Nagwika si Ben Zayb na wasto ang kanyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan.

Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil na kabilang ang mga pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari.

Nais namang konsultahin ni Quiroga si Simoun ukol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay pero nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na huwag galawin ang mga ito.

Nagpunta siya kay Don Custodio pero ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya nagtungo siya kay Ben Zayb. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya agad itong umalis.

Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiyago para ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Pumanaw na si Tiyago. Kumaripas naman ng takbo ang pari.

May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon.

Hinabol ng mga sibil ang mga ito. Nahuli nila ang dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.

See also  Di Pamilyar Na Salita Ng Laro