Repleksyon Sa Kabanata 2 El Fili

repleksyon sa kabanata 2 el fili

Answer:

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

Repleksiyon

Sa kubyerta, hinati ito sa dalawang kategorya ayon sa katayuan o estado sa buhay at ito ay ang itaas ng kubyerta at ang ilalim ng kubyerta. Sa itaas ng kubyerta, andoon ang mayayaman na mayroong kalayaan at sapat na espasiyo. Sa ilalim naman ng kubyerta ay naroroon ang mga mahihirap at ang iba’t ibang bagahe ng lahat na sumasakay sa bapor. Humamak ang mga taong naroroon sa itaas ang mga taong naroroon sa ibaba ng kubyerta dahil sila raw ay mga Indio. Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan upang maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.

Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging mahusay at kapakipakinabang. Sapagkat inilalagay ng mga taong naroroon sa itaas ng kubyerta ang mga Indio sa ilalim ng kubyerta kung saan ay masyadong masikip at walang espasyo kaya hirap makagalaw. Mas ibinibigay ang malaking espasiyo sa mga mayroong maraming salapi kaysa sa mga nangangailangan.

Ipinahahayag rin sa Kabanatang ito ang pagkalimot sa importansya ng  sariling wika. Dahil hindi na namalayan nina Basilio at Isagani na hindi na nila ibinibigay ang sariling wika na wikang Filipino ng tugon dahil sa pagtatayo ng sarili nilang akademiya na magtuturo ng wikang Kastila.

Gintong Aral ng Kabanata 2:

“Huwag sarili ang palaging iisipin, dahil hindi lahat ng pagkakataon ay ikaw lagi ang may kinakailangan. Bigyan mo rin ng atensyon ang iba pang nangangailangan dahil ang Diyos ang siyang huhusga sa kilos at galaw mo sa buhay at hindi ang sinuman.”

See also  Solusyon Ng Mga Katulong Sa Bahay

Para sa karagdagang kaalaman

Mga Mahahalagang Pangyayari sa Kabanata 2:  brainly.ph/question/2100382

Buod ng Kabanata 2: brainly.ph/question/2156832

#LearnWithBrainly