Maikling Talumpati Tungkol Sa Pamilya

maikling talumpati tungkol sa pamilya

Talumpati para sa Pamilya

Pamilya, ang mga taong inspirasyon ko sa lahat ng bagay.

Sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay,  

sila ang dahilan kung bakit sa bawat umaga ay masaya akong gumigising.

Sila ang mga taong nagpapangiti at nagpapaiyak sa akin,

Nagpapangiti dahil sila ang aking lakas,nagpapaiyak kapag nakikita kung  

Ang isa sa kanila ay nasasaktan o nagdurusa, ang panghihina nila ay nadarama ko rin

Kaya naman lahat ay kaya kung gawin para sila ay saluhin.

Ang pamilya ko ang mga taong handang umunawa sa akin.

Ilang beses man akong nagkamali at nadapa, sila ay laging nadiyan upang  

Sa tuwina ako ay unawain, sila ang mga taong nagbabangon at umaakay sa akin  

Kapag ako ay nadadapa, at nakakaramdam ng sobrang panghihina ng kalooban.

Ang mga payo at gabay nila ang sa akin ay muling nagpapatibay.

May mga oras na ang pamilya ay hindi nagkakaunawaan.

Sa isang banda noong una ay hindi ko ito nauunawaan sapagkat

Sa aking pamilya ay dapat na laging nag-uunawaan at nagbibigayan

Ngunit ng tumagal ay aking napagtanto na ang hindi pagkakaintindihan

Kung minsan ay iyon pala ang magiging dahilan ng mas matibay na samahan.

 

Ang aking pamilya kung aking iisa-isahin at aking ipakikilala ay talagang inyong hahangaan, andiyan si itay na ang kasipagan ay di matatawaran lahat ay ginagawa para kami ay mabuhay, ama na di marunong magreklamo kahit nahihirapan,

Sapagkat para sa kanya lahat ay gagawin para sa pamilya.

Andiyan din si ina na sa gawaing bahay ay di magpapaawat, pag mamahal at pag aalaga ang laging handang ibigay, pangangailangan ng anak at asawa ay laging nagagampanan, kahit pagod sa maghapon trabaho ay lagi paring naka ngiti.

Andiyan si ate na kahit lagi kaming di nagkakaintindihan dahil sa kanyang kasungitan

Pero di naman matatawaran ang kanyang kasipagan sa pagtulong kay ina  

Ay talagang laging areglado, at pag aalaga kay bunso ay laging nakasaklolo.

Andiyan din si kuya, na matulungin sa aming ama, lahat ng ituro ay laging sinusunod niya dahil gusto niya lahat ng gawain ng aking ama ay siya na ang magpapatuloy

At syempre ako si bunso na sa tuwina ay lagi sa kanilang nagpapasaya, makulit man ako minsan pero alam ko ako ang kanilang kaligayahan.

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Kahulugan ng pamilya https://brainly.ph/question/608881

Kahalagahan ng pamilya https://brainly.ph/question/136988

See also  Ano Ang Kasingkahulugan Ng Nagbibilang Ng Poste ​