Talumpati Tungkol Sa Kahalagahan Ng Pamilya

talumpati tungkol sa kahalagahan ng pamilya

Marahil madalas nating nakakasama ang ating mga kaibigan
sa eskwelahan man o sa opisina subalit sa ating paguwi ang pamilya ang ating
nakakasama. Sila yung laging naggagabay at nag-aalala. Kasabay sa kainan,
panunuod ng telebisyon, at pagtawa. Ngunit madalas hindi natin nakikita ang
kanilang importansya.

 

Gigising tayo sa umaga, mag-aaral, magtratrabaho, kakain,
matutulog. Lahat tayo ay abala sa kanya kanyang laban sa buhay. Madalas hindi
natin sila pinapansin. Dahil alam natin na lagi lang sila nandiyan. Diba
sadyang magaan ang buhay pag alam mong nakaalalay lang sila? Kaya pahalagahan
natin ang pamilya. Sila ang dahilan kung bakit ka masaya.

See also  Ano Ang Kahulugan Ng Nagbibilang Ng Poste?​