Talumpati Tungkol Sa Kahalagahan Ng Kapaligiran. Talumpati Tungkol S…

Talumpati tungkol sa kahalagahan ng kapaligiran.
talumpati tungkol sa kahalagahan ng kapaligiran ​

Answer:

TALUMPATI TUNGKOL SA KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN

“Magbigay-Halaga”

Narito ako ngayon upang talakayin ang mga hindi nawawalang isyu na tungkol sa kalikasan. Napakalaki ng pangangailangan ng tao sa kalikasan. Ang tubig na ating iniinum, karne, gulay, isda at iba pang pagkain na hinahain sa ating mesa, at ang mgamateryales na ginagamit sa paggawa ng ating mga kabahayan ay nagmumula lahat sa kalikasan.

Bukod sa pagpunan sa ating mga pangunahing pangangailangan, kalikasan din ang ating pinagkukuhananng mga iba-ibang mineral at sangkap upang gamitin sa paggawa ng produkto na ikinakalakal ng atingbayan tulad ng tela, alahas at bakal. Bagkus, nararapat lamang na ating pahalagahan ang atingpinagkukuhanan ng mga likas na yaman.

Iwasan ang maging mapagsayang sa kahit anong yaman na kinukuha sa kaliksanan. Maaari kayong magsimulang tumulong sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw tuwing hindi ito ginagamit. Sa paraang itolamang ay makakatulong kayong mapapababa ng carbon na ibinubuga ng mga planta ng kuryente.

Isa pang simpleng paraan ay ang paggamit ng baso tuwing nagsisipilyo upang makatipid ng konsumo ngtubig. Sa sangkaestudyantehan, huwag sayangin ang papel. Kung maaari ay gumamit ng scrap paperupang mabawasan ang pagputol ng puno.Bukod sa pagtitipid ng tubig at iba pang yaman galing kalikasan, importante rin na maging mapalinis.

Maaaring gasgasan na ang mga katagang “huwag magtapon ng basura kung saan-saan” ngunit ito sana ay inyong isapuso dahil ang bawat pakete ng pagkain o ng kung ano mang prinosesong produkto aynaiipon at bumabara sa mga estero, ilog at iba pang daluyan ng tubig. Hindi lamang pagbabara ng mga kanal ang naidudulot ng iresponsableng pagtatapon ng basura sapagkatmaaari rin itong maging mitya ng buhay ng mga halaman at mga hayop na nakatira sa mga ilog, dagat,sapa at iba pang anyong tubig.

See also  Kahalagahan Ng Dagat Sa Buhay Ni Santiago​

Kung tutuosin ay napakaraming mumunting paraan upang makibahagi sa pagtulong sa ating Inang Kalikasan. Ang nakalulungkot lamang ay tila maraming bata at matanda ang walang inisiatibo upang mabago ang kasalukuyang sitwasyon ng ating kapaligiran.

Kaya naman narito ako sa inyong harapan upang sabihin na katulad ng tao, bagay, hayop, at ala-ala, pahalagahan din natin ang kapaligiran.