Talumpati Tungkol Sa Droga

talumpati tungkol sa droga

Droga o ipinagbabawal na gamot. Marami sa ngayon ang nahuhumaling dito. Ngunit hindi nila alam na inilalayo sila nito sa kung ano ang totoo.
Nangangarap ng magandang buhay, ngunit parang ibinabaon lang ito sa hukay. Ang pag-asa ay wala sa paggamit ng droga. Ang pag-asa ay nasa paggawa ng tama. Sa kung ano ang dapat ginagawa.

Hahayaan mo ba na pati ikaw ay mapahamak, na ang pamilya mo ay magdusa na tila ay lumulubog na sa lusak? May panahon sa pagbabago, at hindi dapat sinasayang ang mga ito. Oo, masaya ngunit hindi tunay na ligaya.

Ibigay sa pamilya ang tunay na tagumpay, at hindi ang katawan na bangkay.
Buhay ang usapan, hindi ito laru-laro lamang. Asamin ang magandang buhay at huwag sayangin sa bagay na sa iyo ay papatay.

See also  Magbigay Ng Mga Salita Na Nagsisimula Sa "ig"​