Gawain Sa Pagkatuto Bilang 3 Panuto: Kung May Access Sa Internet, Iminumungkah…

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 Panuto: Kung may access sa internet, iminumungkahi na panoorin ang ilang eksena sa dulang pantelebisyon na “Ang Daigdig Ko’y Ikaw”, Book 1, Episode 13 mula sa YouTube . Kung wala namang access, basahin na lamang ang bahagi ng buod nito na nasa ibaba, pagkatapos ay sagutin ang kasunod na mga tanong. Ang Daigdig Ko’y Ikaw (Book 1) Bakasyon ni Romer sa Pilipinas bilang isang seaman. Kaarawan ng kanyang ina kung kaya’t nag-road trip sila at pinagbigyan ang kahilingan nito na bisitahin ang kaibigan sa kanilang probinsiya, sa bayan ng Olvida, isang tahimik, payapa at magandang bayan na kakikitaan ng mga gusali at kabahayang buhay na saksi ng matagal na pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa. Napilitan silang mag-check-in sa kaisa-isang hotel sa bayan na iyon , ang Olvida Hotel habang hinihintay ang paglabas ng kaibigan ng ina na naka-quarantine. Labag na labag sa kalooban ni Romer ang pagbalik sa kanilang bayan lalo na ang pagtigil nang matagal sa Hotel na iyon dahil sa isang masakit na kahapon. Si Reina ang kaniyang unang pag-ibig, nag-iisang anak ng mayamang may-ari ng Olvida Hotel. Nagtrabaho siya dito bilang bellboy. Magdidise-otso anyos pa lamang noon si Reina at nag-aaral sa mamahaling unibersidad sa Maynila. Matayog ang pangarap ng ina ni Reina para sa anak, ang mapangasawa nito, ang kaisa-isang anak ng piskal at ng konsehala noon ng kanilang bayan na mayora na ngayon. Gayon na lamang ang panlalait ng ina ni Reina kay Romer lalo na nang tumakas ang kaniyang ama sa bilangguan. Ipinagtapat ni Romer sa ama ni Reina ang pagtatago ng kaniyang ama sa Hotel subalit sa halip na hangaan siya sa ginawa niyang pagsusuplong sa mga pulis, pinaalis pa siya sa trabaho at inutusang layuan si Reina. Nanirahan ang pamilya ni Romer sa Maynila at mula noon ay hindi na sila nagkita ni Reina dahil sa pakanang kasinungalingan ng ina nito na kapwa ikinasama ng loob ng dalawang nag-iibigan dahilan upang kalimutan nila ang isa’t isa.Bumalik sa alaala niya ang mga pangyayaring ito sampung taon na ang nakararaan. Gaya ng iniiwasang mangyari ni Romer, muli silang nagkita ni Reina na kasalukuyang namamahala sa Hotel Olvida. Hindi maikakaila ang damdaming pilit nilang ikinukubli sa isa’t isa. Ang pagdedeklara ng pamahalaan ng lock down o ECQ sa buong Luzon dahil sa COVID 19 at ang pagkakasakit ng ina ni Romer ang pumigil sa pag-alis nila sa bayan ng Olvida. Dahilan upang matagal niyang makasama ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso at muling sariwain ang dati nilang pagmamahalan. Handa na sanang ipaglaban ni Romer ang kaniyang pag-ibig subalit nabigo siya dahil sa muling pakana ng ina ni Reina. Lubhang nasaktan si Reina kung kaya’t napilitan siyang tanggapin ang marriage proposal sa kanya ni Ned na noon ay isa nang abogado sa kanilang bayan. Labis itong ikinasugat ng damdamin ni Romer. Dahil sa lumulubhang sitwasyon dulot ng COVID 19 nagpalaya ang gobyerno ng mga bilanggo at isa ang ama ni Romer sa pinalad subalit hindi naging madali ang pakikitungo ni Romer sa ama sa muli silang pagkikita. Pinatawad lamang ni Romer ang ama matapos ang isang tagpong nasaksihan niya sa plasa kung saan ay binaril ng isang desperadong lalaki ang Mayora habang kausap ng kaniyang ama. Naunawaan niyang dahil ito sa matinding kagipitan at pagdarahop sa buhay sanhi ng lock down kung bakit nagawa iyon ng lalaki. Gaya ng kaniyang ama na natuksong tanggapin ang alok ng amo nito na sunugin ang warehouse kapalit ng malaking pera upang hindi maremata ng bangko ang nakasangla nilang bahay at lupa. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. Sagutin ang sumusunod na katanungan: 13. 1. Ano ang masasabi mo sa lugar na pinangyarihan ng kuwento? 14. _________________________________________________________________________________ 2. Makatotohanan ba ang pagganap ng mga pangunahing tauhan? Magbigay ng patunay. _____________________________________________________________________________ 3. Ano ang isang makasaysayang pangyayari sa ating bansa ang nasaksihan mo kaugnay ng kuwento? _____________________________________________________________________________ 4.Makatotohanan ba ang inilahad na mga pangyayari kaugnay ng naganap na lock down (ECQ) sa ating bansa sa nakaraang taon dahil sa COVID 19? ______________________________________________________________________________ 5. Sa palagay mo, may mahalagang kaugnayan kaya ang mga pangyayari sa ating kasaysayan sa kalagayang panlipunan ng mga tao sa isang lugar? Ipaliwanang ang sagot. _____________________________________________________________________________​

See also  Ay! Naglabasan Ang Maraming Bubuyog

Answer:

1.sa india marami ang namamatay dahil sa covid 19

2.oo nakakatulong ito sa mga tao dahil sa gamot na tinutusok sa katawan nila.

3.dito sa pilipinas marami rin ang nagkakaroon nang covid 19 marami rin ang namamatay at marami din ang gumagaling.

4.oo para makaiwas muna sa mga hawaan nang mga bawat tao.

5. oo marami sa atin at sa ibang bayan ang nagkakaroon nang covid 19 upang maiwasan nito na tayo ay mapir.

Explanation:

(o´・ェ・`o)Sagot ko yan… Tama yan lahat

(づ ̄ 3 ̄)づ Welcome