Kahulugan Ng Estudios Coloniales

kahulugan ng estudios coloniales

Kahulugan ng estudios coloniales:

Ang kahulugan ng estudios coloniales sa Ingles ay studies in Spanish. Ang estudios coloniales ay mayroon ring kahulugan na colonial studies o sa Tagalog ay kolonyal na pag-aaral.

Ang Estudios Coloniales ay isa ring pangalan ng pahayagan na nakalathala sa Kabanata 3 ng Noli Me Tangere.  

Rito, ang Noli Me Tangere Kabanata 3 tauhan na si Ibarra ay nagsulat ng column sa Estudios Coloniales pagkatapos ng isang piging at dito niya pinahayag ang kanyang pagkadismaya niya kay Padre Damaso.

Learn more:

Buod ng Noli me Tangere sa kabuuan

https://brainly.ph/question/110326

Ano ang buod ng kabanata 3 ng Noli Me Tangere?

https://brainly.ph/question/291705

Ano ang aral sa kabanata 3 Noli Me Tangere?

https://brainly.ph/question/1269893

Estudios Coloniales

Ang estudios coloniales ay wikang espanyol na ang katumbas sa ingles ay colonial studies at kolonyal na edukasyon sa tagalog ay tumutukoy sa pag – aaral na kung saan ang sistema na ginagamit maging ang lenggwahe ay nagmula sa ibang bansa tulad ng ingles na mula sa Amerika at espanyol na mula naman sa Espanya. Sinasabing nagsimula ang ganitong uri ng sistema ng edukasyon noong panahon ng mga Amerikano. Sa kabila ng pagkakaroon ng matagumpay na pagpapatupad ng sistema sa mga pampublikong edukasyon, itinaguyod naman ito upang bigyang – daan ang interes ng mga mananakop. Noong mga panahong iyon, Ingles ang naging wikang panturo at kalaunan ay naging wika ng kaalaman. Dahil ito ang karaniwang makikita sa mga aklat at iba pang babasahing edukasyonal, madali itong nakapasok sa puso at isip ng mga Pilipino at hindi rin nagtagal ay inakap nila ang kultura at pamumuhay ng mga Amerikano. Nakakalungkot isipin na nakalimutan nila ang mga pangyayaring nagbigay sa kanila ng kalayaan at nalibang sila sa mga banyagang impluwensya mula sa pananalita, pag – iisip, pagkain, libangan, at sistema ng pamumuhay. Ito na marahil ang tinuran ng makabayang historyador na si Renato Constantino ng kanyang sabihin na nag mga Pilipino ay nagkaroon ng misedukasyon.

See also  Paglilinis At Pagsusunog Ng Isang Bahagi Ng Bundok​