Pagyamanin Pang-isahang Gawain Blg. 2: Panuto: Batay Sa Binasang Tekstong Naging Asawa Ng…

Pagyamanin
Pang-isahang Gawain Blg. 2:
Panuto: Batay sa binasang tekstong Naging Asawa ng Sultan ang Babaeng Pipi at Bingi, pumili ng
limang sitwasyon at tukuyin ang sanhi at bunga ng napili.
Sitwasyon
Sanhi
bunga

eto po yung kwento
Muli siyang tumingin sa kanan at dahan-dahan ulit na ibinaling ang kanyang ulo pakaliva.
Kitang kita na ang bawat babae ay nagpapagandahan sa harapan ng sultan. Sa dulong bahag.
isang babae na walang kibo at nakayuko ang kanyang pinili, hindi masagot sa kaniyang isipan
kung bakit ganon na lamang ang kagustuhan ng kaniyang puso na piliin ang babaeng iyon.
Agad niyang itinuro ito at pinalakad sa gitna. Kinalabit ng katabing babae ang napili ng sultan,
hudyat na siya ay pupunta sa gitna. Pinatabi ang apat na unang babaeng napili sa kanyang
huling napusuan.
Sumandaling nagwika ang sultan, “Mapalad kayo! Sapagkat kayo ang aking napusuan.
Subalit sino nga ba sa inyo ang nararapat para sa akin? Dahil ang aking magugustuhan, kung
ano ang mayroon ako siguradong mayroon din siya, at kung ano ang mayroon siya kailangan
mayroon din ako. Hihilingin ko ito kay bathala upang maging iisa kami,” dugtong na wika ng
Sultan. Binigay na ng sultan ang pagkakataon upang magpahayag ang bawat isa kung bakit
sila ang dapat piliin.
Unang nagwika ang babaeng may panakip na kulay lila, isang babaeng marangya ang
pamumuhay. “Minamahal kong sultan, iniibig kita higit pa isa aking buhay! Dala ko ang isang
batong kulay ginto, handog ko nang buong puso,” mayabang na wika ng babae. Napangiti ang
sultan sa wika ng babae. Sumunod na nagwika ang babaeng may panakip na kulay kahel, isang
matalino subalit may kapangitan ang pag-uugali. “O…aking sultan! Alay ko ang isang batong
kulay pilak, upang buhay natin ay lalong mamulaklak.”
Nag-iba ang ningning nang mata ng sultan animo’y siya ay nasa alapaap. “Iniirog kong
sultan, handog ko naman ay isang tinapay na sa atin ay aagapay habang tayo’y nabubuhay!”
wika nang babaeng may-panakip na kulay berde na isang anak nang kilalang pamilya sa nayon.
Tumatangong may ngiti ang masisilayan sa sultan. Ang ika-apat na babaeng may suot na
panakip na kulay asul ang sumunod na nagwika, “Minamahal kong Sultan! Alay ko ang mga
alahas na aking pinag-ipunan, upang ako’y maging marapat sa iyong tahanan.” Namula ang
mukhanang Sultan, na animo’y namangha sa mga alahas na kaniyang Nakita.
Hinihintay ng lahat ang pagbuka nang bibig ng ikalimang babae, ngunit hindi umiimik
at nakayuko lamang ito. Nagsalita ang sultan, “Maaari ka ng magsalita.” Subalit hindi
natinag ang babae sa kaniyang pagkakayuko. Nagsigawan at nagbubulungan ang mga tao.
May nagwika, “Hindi siya nararapat sa sultan, wala siyang bibig na magbibigay sa sultan ng
kasiyahan upang may makausap,” natatawang pagwika nang isang taong naroroon. Sinabayan
naman ito nang pagsegunda ng tawanan ng mga tao at nang apat na babae na pinagpipilian.
Lumapit ang sultan sa babae, unti-unting iniangat nang sultan ang ulo ng babae, kitang kita
ang kahiyaan, subalit namangha ang sultan sa ganda ng mukha nito sa malapitan. Isang mukha
na mala-diyosa ang ganda na natatabingan ng kanyang panakip. Nagwika ulit ang sultan sa
babae, subalit halos sila lamang ang nagkakarinigan. “Napakaganda mong dilag,” sambit ng
sultan. Ngumiti ang babae na parang narinig niya ang winika nito, lalong namangha sa
kagandahan nito ang sultan.
Nagsimulang kumumpas ang kamay ng babae, inilagay niya ang kamay sa tapat ng
kaniyang puso. Unti-unti niyang kinuyom ang kanyang kamay at pagkaraan ay binigay sa
kamay ng sultana tila nagpapahiwatig na iyon lamang ang kaniyang maiaalay sa sultan. Isang
pagmamahal na galing sa kaibuturan ng kaniyang puso na kailanman ay hindi maglalaho.
Lumakas ang hiyawan ng mga taong nasa kasiyahan, “Isa po siyang pipi at bingi, kailanman ay
hindi nababagay sa sultan.” Hindi na nakapagsalita ang sultan at nakatingin na lamang ito sa​

See also  Pagyamanin: Talambuhay Ni Jose Rizal _Narito Ang Isang Pagtalakay Sa Buhay Ni...

pasagot pls

Answer:

tpos na pi dustin samson