Alamin Ang Iyong Karapatan Ang Pagiging Mamamayang Pilipino Ay Pagig…

Alamin ang iyong karapatan Ang pagiging mamamayang Pilipino ay pagiging kasapi sa estado Nangangahulugan ito ng pakikibahagi sa tagumpay at kasawian ng bansa. Kapag nakatamo ang bansa ng tagumpay, nakadarama ng pagmamalaki ang mga mamamayan. Gayundin, kapag ang bansa ay napipintasan, nakadarama ang Pilipino ng kalungkutan Ang pagiging Pilipino ay nagpapahiwatig ng pananagutang maging matapat sa bayan. Katumbas nito, may karapatan ang bawat mamamayan na mabigyan ng proteksiyon. Ang pangangalaga sa mga kalayaan at karapatang tinatamasa ng mga mamamayan ay isa sa mga pangunahing katangian ng lipunang demokratiko. Kaugnay ng pagiging mamamayang Pilipino, may mga karapatan ang bawat bata tulad ng karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan. Karapatan ng batang maprotektahan laban sa pananakit, magkaroon ng isang pamilya, at magkaroon ng malusog at masiglang katawan. Kasama rin ditto ang karapatang magkaroon ng pagkakataong makapaglaro at maglibang. Mahalaga rin sa bata ang karapatan sa maayos at may kwalidad na edukasyon. May karapatan ang mga magulang na pumili ng paaralang papasukan ng bata. Kalakip ng mga karapatan ay ang mga tungkulin at pananagutan og mamamayan. Tungkulin ng mga batang sumunod sa batas ng bansa at sa mga tuntunin sa pinapasukang paaralan. Tungkulin ng mga batang tumupad sa mg autos ng mga magulang. Tungkulin din nilang makibahagi sa kanilang lipunan ayon sa kanilang kakayahan Mga Tanong 1. Ano ang nadarama ng mamamayan kapag nakatamo ang bansa ng tagumpay? 2. Anong uri ng edukasyon ang nararapat sa bata?​

Answer:

pictures please send

Explanation:

send ka ng pictures

See also  Story Analysis Of "My Father Goes To Court" ​