Alin Sa Sumusunod Na Sektor Ang Namamahala Sa Pagpoproseso Ng Mga Hilaw Na Materya…

Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto

Sektor ng Industriya

Ang sektor ng industriya ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto. Ang sektor na ito ang nagbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino. Isa sa mahalagang bahagi ng ekonomiya ng bansa. Responsable sa pagbabagong pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya. Nahahati sa apat na sekondaryang sektor.

Apat na Sekondaryang Sektor ng Industriya:

  1. pagmimina
  2. pagmamanupaktura
  3. konstruksyon
  4. utilities

Ang pagmimina ay ang sekondaryang sektor kung saan ang metal, di – metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto.

Halimbawa:

  1. ginto na ginawang hikaw
  2. metal na ginawang turnilyo ng kotse

Ang pagmamanupaktura ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina.

Halimbawa:

  1. harina na ginawang cake o tinapay
  2. soya na ginawang toyo at tokwa

Ang konstruksyon ay ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, istruktura, at iba pang land improvements.

Halimbawa:

  1. tulay
  2. kalsada

Ang utlities ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, kuryente, o gas.

Halimbawa:

  1. Meralco
  2. Maynilad

Ano ang sektor ng industriya: https://brainly.ph/question/2126294

#LearnWithBrainly

See also  GUYS TULUNGIN NYO AKO PO PLSP LPSL PSLPLP PLS Ang Aking Trabaho 1. Anu-a...