Ang Alamat Ng Bundok Arayat Ni Ofelia O. Mangila Noong Unang Panahon, Ayon Sa…

Ang Alamat ng Bundok Arayat

Ni Ofelia O. Mangila

Noong unang panahon, ayon sa aking lolo Andres ay may mga usap-usapan na sa bundok Arayat ay may nakatirang napakagandang diwata. Makikita ito sa bayan ng Arayat lalawigan ng Pampanga.Dito ay may makikitang bundok at Ito ay kanilang tinatatawag na bundok Arayat.

Ang sabi ng aking lolo na ang babae sa bundok ay napakganda. Siya ay may mahabang buhok at magandang tinig ng boses at siya’y inatawag nilang Mariang Sinukuan. Siya ay namamalagi sa nasabing bundok noong unang panhon at bumababa ng kapatagan tuwing linggo na nagiging mabili ang mga paninda ng mga taga-roon subali’t si Maria Sinukuan ay nagpapalit ng anyo na kung saan ay nagbibihis siya na isang matandang magbubukid na maitim upang hindi siya makilala.

Ayon pa sa aking lolo Andres ang sinumang umakyat ng bundok ay nakakaranas ng mga kahiwagaan noong unang panahon. Ang bundok ay sagana sa bungang –kahoy na kung sakaling ang mga umakyat ng bundok ay magutom maaring mamitas ng mga prutas subali’t sa sandaling sila ay kumuha nito upang mag-dala pauwi ay biglang bubuhos ang malakas na ulan at ihip ng hangin at ayon pa sa mga matatanda sila ay naliligaw sa kanilang pag-uwi. Sa sandaling ito’y kanilang bitawan ay ihinto ang ulan at hangin at sila’y makakauwi sa kanilang pamilya.

Usap-usapan din noon ng mga nakakatanda na ang malaking batong buhay sa tuktok ng bundok ay ang batyang ginamit ni Mariang-Sinukuan sa kanyang paglalaba. Ayon pa sa aking lolo Andres sa bundok Arayat ay laging mayroong naririnig na magagandang tugtugin ang mga Kapampangan sa lalawigan ng Arayat.

See also  AGTATAYA Panuto: Suriin Ang Bawat Pahayag. Isulat Ang Ikung To Ay Tamaa...

Paglalahad pa ng aking lolo ang mga taga roon noong unang panahon ay takot mamalagi sa nasabing bundok dahil sa diwata. Sila ay natatakot kay Mariang Sinukuan na baka sila ay gayumahin at hindi na makabalik sa kanilang mga pamilya. Ang sabi ni lolo Andres ito’y ayon din sa kanyang lolo na madalas kwentuhan noong sila ay bata pa. Ayon kay lolo ito ay ang alamat ng Bundok Arayat.

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang pamagat ng kwento?

________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Tungkol saan ang kwento?

________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Sino – sino ang mga tauhan sa ating alamat?

________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Bakit mahiwaga ang bundok sa ating kuwento?

________________________________________________________________________________________________________________________________

5. Ilarawan ang bundok Arayat ayon sa nabasang teksto.

________________________________________________________________________________________________________________________________

basahin mo po, do’n mo makukuha ‘yung sagot, dati ka yatang siraulo ei