Ang Apat na Himagsik sa Florante at Laura
1. Himagsik Laban sa Masamang Pamahalaan- ipinahayag ni Balagtas ang
kaniyang damdamin sa bayan sa pamamagitan ng mga panaghoy ni Florante habang
nakatali sa puno ng higera.
2. Himagsik Laban sa Maling Kaugalian o Maling Pagpapasunod sa Anak-
naipakita sa obrang ito na mahalaga hindi lamang sa mga magulang kundi maging sa
bayan ang mabuting paghubog sa mga bata, sapagkat doon nakasalalay ang magiging
pag-uugali ng bawat bata sa hinaharap.
3. Himagsik Laban sa Maling Pananampalataya- Ipinakita sa awit na hindi ang
kaaway sa relihiyon ang naging kaaway na mortal ni Florante kundi isa ring Kristiyanong
kinakatawan ni Adolfo. Isang banal na aral, ang “pag-ibig sa kaaway”, ang itinataguyod
ng naturang awit.
4. Himagsik Laban sa Mababang Uri ng Panitikan- Noon may mataas na uri ang
mga akdang may kinalaman sa relihiyon ngunit naiibang uri ng panitikan ang ipinakilala
ni Balagtas sa kanyang akda. Matatayog ang kaisipan at balot sa kagandahang-asal at
aral.
Pagsasanay
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong at itala ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang mga himagsik ni Balagtas? Ipaliwanag ang bawat isa.
2. Gamit ang mga pahiwatig sa akda, bakit mahalagang pag-aralan ang awit?
3. Bakit mahalagang mabatid ang tunay na mensahe ng Florante at Laura?
Answer:
ano grade mo, kain kana okay