Ang Hukuman Ni Mariang Sinukuan Na May Gamit Ng Kagamitang Pang-ugnay

Ang hukuman ni Mariang Sinukuan na may gamit ng kagamitang pang-ugnay

Ang Hukuman ni Sinukuan

Ang kwentong ito ay nagsimula lamang sa hindi sinasadyang pag sipit ni talangka kay lamok na nagdulot ng matinding galit ng huli para sa kapitbahay na si talangka. Upang makaganti ay nagpasya siyang magdala ng gulok kahit saan siya magpunta kaya naman ng makita siya ni alitaptap sa takot ay nagdala ito ng apoy bilang proteksyon. Ngunit ng makita ni pagong si alitaptap sa takot na masunog nito ang kanyang bahay pinasya niyang buhatin ito. Nang makita naman ni palaka na buhat buhat ni pagong ang kanyang bahay, sa takot na mabagsakan ay kumokak ito upang humingi ng saklolo. Nang marinig ni kabayo ang pagkokak ni palaka, agad itong dumamba ng dumamba kaya naman natapakan niya ang itlog ni Martires. Sa labis na lungkot ay nagsumbong si Martires kay Maria.

Agad na ipinatawag ni Maria si lamok at nagpasya na ito ay parusahan bunga ng pagkakabasag ng itlog ni Martires at ng kaguluhan sa bundok ng Arayat. Lalong nagalit si lamok sapagkat hindi pa siya nakakaganti kay talangka ay papatawan pa siya ng parusa. Kaya naman iwinasiwas niya nag dalang gulok at tinamaan si palaka. Sa pagkakatama ay kumokak iyon ng malakas na ikinagulat ni kabayo dahilan para ang huli ay dumamba ng dumamba. Nagtakbuhan ang ibang mga hayop at nagkagulo sa buong hukuman. Sa huli ay pinarusahan si lamok na makulong ng tatlong araw at hindi na siya maaaring magdala pa ng gulok saan man siya magpunta.

See also  Sa Aspekto Ng Pamilya Ano Ano Ang Mga Karapatan Ng Tao​

Mga Pang – ugnay na Ginamit sa Kwento:

pangatnig –

a. paninsay – at, ngunit

b. pantulong – sapagkat, kaya, upang, nang, para

pang – angkop – na, ng, g

pang ukol – tungkol, ni,