Ang Kaligirang Pangkasaysayan Ng Florante At Laura Ang Florante At…

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong 1838. Panahonng pananakop ng mga Espanyol sa bansa Sa panahong ito, mahigpit na ipinatupad na sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol. Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang patungkol sa relihiyon o di kaya’y sa paglalaban mga Moro at Kristiyano na tinatawag ding komedya o moro-moro, gayundin ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika

Ang relihiyon at ang paglalaban ng mga Moro at Kristiyano ay siya ring temang ginamit nil Balagtas sa kanyang awit bagama’t naiugnay niya ito sa pag-ibigan nina Florante at Laura. Ito ang dahilan kaya nagtagumpay siyang mailusot ang awit sa mahigpit na sensura ng mga Espanyol Gumamit siya ng alegorya kung saan masasalamin ang mga nakatagong mensahe at simbolong kakikitaan ng pagtulig sa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol gayundin ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga naganap nakaliluan, kalupitan, at kawalang katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol. Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K Santos na “apat na himagsik” na naghari sa puso at isipan ni Balagtas. (1) ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan; (2) ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya. (3) ang himagsik laban sa mga maling kaugalian; (4) ang himagsik sa mababang uri ng panitikan.

See also  1. "Ginoong Baka, Maari Mo Ba Akong Tulungang Magtanim Tanong Ni Inahin. "...

Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang obra-maestra ng panitikang Pilipino at sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon. Isinulat niya kasi ang kaniyang akde sa wikang Tagalog sa panahong ang karamihan sa mga Pilipinong manunulat ay nagsisulat sa wikang Espanyol.

Ang awit ay inalay ni Balagtas kay “Selya o Maria Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan sinasabing isinulat niya ito sa loob ng selda kung saan siya nakulong dahil sa maling paratang na pakana ng mayamang karibal na si Nano Kapule. Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan, himagsik, at kawalang katarungang naranasan ni Kiko sa lipunang kanyang ginagalawan ay siyang nagtulak sa kanya upang likhain ang walang kamatayang Florante at Laura. Ang awit ang nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan, pag-lingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwan at makasarili, gayundin ang pagpapaalaala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman. Ipinakita rin sa akda ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon ay sa may magkakaibang relihiyon tulad ng mga Muslim at Kristiyano.

Binigyang-halaga rin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan ni Flerida, Isang babaeng Muslim na sa halip na sumunod lang sa makapangyarihang kalalakihan ay piniling tumakas mula sa mapanil sa Sultan upang hanapin ang kaniyang kasintahan at siya pang pumutol sa kasamaan ng buhong na si Adollo. Ang akda ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga Pilipino. Sinasabing St Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya’y naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me Tangere.

See also  Mga Di Pamilyar Na Salita Na Nagsisimula Sa Letrang L

Sinasabi ng maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa pamamagitan ng sanli niyang sulat kamay ng kopya ng awit habang siya ay nasa Guam noong 1901. Bagama’t napakatagal nang panahon mula nang isulat ni Balagtas ang awit ay hindi mapapasubaliang ang mga aral na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay na nanatiling makabuluhan, angkop at makagagabay pa rin sa mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon.

Pangyayari sa Florante at Laura

1.
2.
3.
4.
5.

Kaugnayan sa Kasalukuyan

1.
2.
3.
4.
5.​​

PLEASE ANSWER IT, I DON’T HAVE MUCH TIME!​

Answer:

pangyayari sa florante at laura

1.panahong pananakopng mga espanyol sa bansa sa panahong ito

2dahil sa pagkontrol ng mga espanyol

Explanation:

yan lng po kaya kong sagutin