Ang Paborito Kong Kabanata Sa Nobelang Noli Me Tangere​

Ang paborito Kong kabanata sa nobelang Noli Me Tangere​

answer:

Noli Me Tangere

Kabanata 7: Suyuan sa Asotea

Sa lahat ng mga kabanata ng nobelang ito, ang pinaka nagustuhan ko ay ang kabanata 7, “Suyuan sa Asotea”. Sa kabanatang ito kasi mararamdaman ang pananabik nina Ibarra at Maria Clara sa isa’t isa. Ang pananabik ay makikita sa kanilang mga kilos at pananalita. Nakakatuwang basahin ang bahaging habang  naghihintay si Maria Clara ay hindi siya mapakali at nakaisip ng ilang bagay na maari niyang gawin tulad ng pananahi. Napag usapan din nila ng kanyang pamilya ang magiging bakasyon niya na lalong nagpasabik sa kanya sapagkat makakasama niya si Ibarra sa darating na pista.

Ang bahaging nag uusap na sina Maria Clara at Ibarra sa asotea ay lalong nagpatingkad sa kabanatang ito. Ang palitan nila ng liham ay naging makabuluhan maging ang palitan nila ng mga salita na tulad na lamang kung si Maria Clara ba ay hindi nalimot ni Ibarra habang siya ay nasa ibang bansa sapagkat batid niya na maraming magagandang babae sa Espanya. Nakakakilig naman ang naging tugon ni Ibarra ng sabihin niya na kahit kailan hindi nawala si Maria Clara sa kanyang ala ala. Idinagdag pa niya na sumumpa siya sa harap ng bangkay ng kanyang ina na wala siyang ibang gagawin kundi ang paligayahin ang dalaga.

explanation:

nao swerte ka but.an ko

See also  Motivate Meaning In Tagalog