Ang Paborito Kong Laro Essay

Ang paborito kong laro essay

Answer:

Sa panahong ito, ano na nga ba ang mga nauusong laro o laruan? Video Games, PSP, Plants vs. Zombie, Candy Crush, Temple Run—ilan lamang ang mga ito sa mga larong alam ng mga bata ngayon. Ito ay dahil sa ang panahong ito ay tinatawag na computer age o digital age. Ang mga larong ito ay ginagawa sa harap ng computer sa loob ng bahay, ibig sabihin ay hindi na tayo makakapag-ehersisyo at papawisan sa labas ng bahay at maaring hindi na natin makakalaro ang mga kaibigan natin.

Bilang kabataan ay masasabi kong masaya ring maglaro ng mga ito. Ngunit, nang masubukan kong makipaglaro sa aking mga kaibigan sa labas ng bahay, masasabi kong iba pa rin ang saya kapag kasama mo sila habang nilalaro ang mga Larong Pinoy. Gusto kong ipakita ang ilan lamang sa napakaraming laro na nagmula pa sa ating lolo, lola at mga magulang. Masuwerte tayo dahil ang mga ito ay naipamana pa sa atin ngayon.

PATINTERO

May dalawang grupo na maglalaban. Isang grupo ay magiging taya. Bawat kasapi ng grupong taya ay tatayo sa ibabaw ng mga linya na iginuhit sa kalsada. May isang mahabang pahabang linya na maaring makarating sa lahat ng pahalang na linya. Bawat kasapi na tatayo sa mga linyang ito ay susubuking hipuin o hawakan ang kasapi ng ikalawang grupo, na susubakan namang marating ang dulo ng mga linya at makabalik muli sa unahan nang hindi nahahawakan o natataya ng unang grupo. Isa lamang ang mahawakan o mataya ay matatalo na ang grupong ito at kapag nagkataon ay sila naman ang magiging taya.

SIPA

Ang larong sipa ay gumagamit ng bagay na tinatawag na “sipa”. Ito ay yari sa tingga at binabalutan ng makukulay na tali o straw. Ang sipa ay ihahagis paitaas at sisipain ng manlalaro gamit ang kanyang paa. Hindi dapat bumagsak ang sipa sa lupa kung kaya paulit-ulit itong sisipain, kung minsan ay gamit ang tuhod. Bibilangin ng mga manlalaro kung ilang beses niyang tinira ang “sipa”. Kung sinuman ang may pinakamaraming tira ay siyang mananalo sa laro. Tinatawag rin itong Sepak Takraw, ang pambansang laro natin.

TUMBANG PRESO

Sa larong ito ay mayroong 3 o higit pang manlalaro. Bawat isa ay may hawak na tsinelas na tinatawag na “pamato”. Nakalagay sa gitna ang isang plastik o lata na nakatayo sa layong 6 o 8 metro mula sa linya. Ang manlalaro na magiging “taya” ang siyang magbabantay sa sisidlan habang sinusubukang batuhin at itumba ng iba pang manlalaro. Kapag ang sisidlan ay naitumba ng sinuman, dapat niya itong ibalik sa gitna at hahabulin naman niya ang mga manlalaro na pipiliting makuha ang kanilang mga pamato hanggang sa ang isa ay kanyang mataya. Kapag ang isang pamato ay maibato nang malapit sa sisidlan na hindi naitumba, ang may-ari ng pamatong iyon ang siyang magiging taya.

PALOSEBO

May isang mahabang kawayan na nakatayo sa gitna at susubukin ng mga manlalaro na akyatin ito. Ang layunin o pakay ng mga kasali ay sila ang makaunang makarating sa tuktok ng kawayan upang makuha ang premyo sa tuktok nito. Kadalasan ang nakalagay dito ay pera o mga laruan. Magiging mahirap para sa mga manlalaro ang makaabot sa tuktok ng kawayan dahil ito ay pinahiran ng langis upang maging madulas.

LUKSONG BAKA

Ito ay kahalintulad ng Luksong Tinik. Dito ay may 2 manlalaro. Ang isang manlalaro ay nasa unahan at siyang magiging taya. Sa simula, siya ay nakayuko nang mababa ngunit unti-unting tumataas habang ang isa namang manlalaro ay lumulukso sa ibabaw ng kanyang likod. Habang tumatagal ay pataas nang pataas ang likod ng taya, kung kayat pahirap nang pahirap ang paglukso ng kalaro. Kapag ang taya ay natumba, matatalo na ang lumuluksong manlalaro at siya naman ang magiging taya.

LUKSONG TINIK

Sa larong ito, may 2 manlalaro na uupo sa unahan at magsisilbing tinik sa pamamagitan ng pagtatapat at pagpapatong ng kanilang kaliwa o kanang paa. Ang mga manlalaro naman sa kabilang pangkat ay lulukso sa ibabaw ng “tinik” at sisikaping hindi dumampi dito. Idadagdag ng 2 manlalaro ang kanilang mga kamay nang paunti-unti kung kaya’t unti-unting tumataas ang tinik. Dapat ay tataas na rin ang paglukso ng kabilang pangkat upang hindi sumayad ang kanilang katawan sa tinik. Kapag sumayad ang kanilang katawan dito, ay sila naman ang magiging taya.

Answer: Chinese Garter

Explanation: Kasi  nilalaro simula nung grade 6 ako sa cawitan elementary school  hindi ako magsisinungaling totoong paborito ko ang chinese garter.

See also  Bakit Mahalagang Matutunan Natin Ang Wastong Paggamit Ng Mga Pang Angkop​