ano ang bisang pangkaisipan, bisang pandamdamin, bisang pangkaasalanan ng kabanata 26 ng el fili?
El Filibusterismo
Kabanata 26: Mga Paskil
Bisang Pangkaisipan:
Matapos kong mabasa ang kabanatang ito, pumasok sa aking isipan ang kalagayan at damdamin ng mga kabataang sumasali o nakikiisa sa mga kilos protesta. Kadalasan iniisip ko na ang mga ganitong aktibidad ay paraan lamang nila upang hindi pumasok sa paaralan at makiisa sa gawain sa loob ng silid – aralan. Ngunit sadya palang may mga kabataan na mapaghimagsik ang kalooban. Sila ang mga kabataang may malalim na pang – unawa sa batas at sa kalakaran ng lipunan. sila iyong mga kabataang hindi masisikil ang mga damdamin sapagkat alam nila ang lawak ng kanilang mga karapatan.
Bisang Pandamdamin:
Matapos na mabasa ko ang kabanatang ito, nagkaroon ako ng kagustuhan na maging kasing tapang ng mga tauhan ng kwentong ito. Nais ko na tulad ng ilan sa kanila ay matutunan kong ipaglaban kung ano ang sa palagay ko ay tama basta hindi ito nakakasakit sa iba. Nagkaroon din ako ng paghanga sa mga kabataang ito na batid ang kanilang mga layunin sa buhay sa kabila ng kanilang kabataan at kakulangan sa karanasan sa pamamahala.
Bisang Pangkaasalan:
Matapos kong mabasa ang kabanatang ito, nagbago ang aking pananaw sa mga kabataang nakikilahok sa himagsikan. Kung dati iniisip kong ito ay paraan lamang nila upang tumakas o lumiban sa klase, ngayon napagtanto ko na ito ay nagmumula sa kanilang kagustuhan na ipaglaban ang kanilang paniniwala sa kanilang sariling paraan.