Ano Ang Blog At Mga Halimbawa Nito ?

ano ang blog at mga halimbawa nito ?

Blog

Answer:

Ang blog ay nagmula sa salitang weblog. Ito ay ang pagbabahagi ng mga karanasan sa paraan ng pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakakapagbahagi tayo ng kaalaman, pananaw, salaysay, at iba. Ito ay makikita sa internet o website ng isang tao. Ang mga halimbawa nito ay personal blog, video blog o vlog, travel blog, informative blog.

Sa paggawa ng blog, mayroong tinatawag na blogger o ang taong sumulat o gumawa nito. Ang blogging naman ay ang buong proseso ng paggawa ng isang blog.  

Mga layunin  

Layunin ng blog na gawin ang mga sumusunod:

  1. Magbahagi ng karanasan  
  2. Magbigay ng kaalaman o impormasyon
  3. Magsilbing gabay sa paggawa ng isang bagay o paglalakbay
  4. Magbigay aliw
  5. Magbigay ng pananaw o stand tungkol sa isang usapin

Sumangguni sa sumusunod na link para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mga uri ng blogs at kahulugan ng bawat isa https://brainly.ph/question/1823709

#LearnWithBrainly

See also  Vocabulary Of Decided​