Ano Ang Epekto Ng Teknolohiya Sa Mga Kabataan?​

ano ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan?​

Answer:

Ang kadalasang sinasabi ng karamihan ukol sa epekto ng teknolohiya sa kabataan ay puro negatibo. Marahil dahil ang unang pumapasok sa isip natin pag naririnig ang salitang ito ay ang makabagong kagamitan katulad ng mga gadyets. Totoong nakakasama nga para sa mga kabataan ang magbabad sa kanilang cellphone, T.V., o kompyuter. Pinapadali nito ang pagkasira ng kanilang mga mata at nakakasama sa kanilang kabuuoang kalusugan. Mas pinapadali din nito ang pag akses sa mga kontent na hindi naangkop sa kanilang edad. Ngunit hindi nalilimita sa negatibo lamang ang epekto ng teknolohiya. Pinapadali nito ang buhay ng karamihan. Nahahasa din nito ang pakikipaghalubilo ng mga bata sa iba’t ibang tao sa pamamagitan ng social media kung nagagamit ng maayos. Ang mga paaralan din ngayon ay kadalasang nakadepende na sa mga makabagong teknolohiya katulad ng computer, projector, cellphone, at kahit sa mga ilaw mula sa bumbilya. Ang teknolohiya ay nakakasama lamang kung hindi tama ang pag gamit dito.

See also  Ano Ano Ang Mga Elemento Taglay Sa Banghay Ng Maikling Kwento​