Ano Ang Iba’t Ibang Paraan Ng Presentasyon Ng Datos Batay Sa Disenyo Ng Pananaliks…

Ano ang iba’t ibang paraan ng presentasyon ng datos batay sa disenyo ng pananaliksik

Pananaliksik

Answer:

Ang pananaliksik ay isang bagay na ginagawa ng mga tao upang makapag-ambag ng mga karagdagang kaalaman o pagsusuri ukol sa isang partikular na ideya na walang sapat na batayan. Ang mga mananaliksik ay kumukuha ng mga data o mga impormasyon sa iba’t ibang mga tao at lugar depende sa kanilang nais bigyang linaw. Maaring malimita ang isang pananaliksik sa mga sumusunod na mga bagay:

  • Kakulangan ng sakop– may partikular na deskripsyon din ang mga respondante, kung kaya’t maaring malimita ang pananaliksik kung kakaunti lamang ang mga taong makapagbibigay ng mga hinahanap na impormasyon
  • Sakop na lugar– kung nakadetalye sa mismong titulo o layunin ng pananaliksik na ito ay para lamang sa isang partikular na lugar at hindi maaring magin batayan ng iba pang mga pananaliksik
  • Kinalaman at kahulugan– maraming maaring maging pokus ang pananaliksik ngunit hindi lahat ay may mabigat na kinalaman o kahulugan sa eksaktong panahon at lugar

Mga iba’t ibang paraan ng pagprepresenta ng mga datos:

  • Deskriptibo– paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag ng nakalap na datos
  • Numerical-pagpapakita ng kaibahan ng mga parte ng mga datos maaring sa paraang:
  1. Table
  2. Charts
  3. Diagram

Maraming mga disenyo ang maaring gamitin sa pananaliksik, ngunit ang pagpe-presenta ng mga datos ay walang masyadong limitasyon. Nakabatay lamang ang iba’t ibang paraan na ito sa nakalap na mga datos.

Mga link sa ibang talakayin tulad nito:

Pananaliksik: https://brainly.ph/question/1069883

Pagbasa at pananaliksik: https://brainly.ph/question/484717

Halimbawa: https://brainly.ph/question/300126

Code: 12.1.3.12.

See also  7: Ang Mga Pahayag Na Nasa Kahon A,B,at,C Ay Mga Halimbawa Ng ? A Balagta...