ano ang ibig sabihin ng simuno at panaguri
Answer:
Ang simuno at panaguri ay ang dalawang bahagi ng pangungusap. Ang isang lipon nga mga salita ay hindi makakapagsaad ng isang buong diwa kung wala ang isa sa mga ito. Sa Ingles ang simuno ay tinatawag na subject at ang panaguri naman ay tinatawag na predicate. Alamin ang kahulugan ng mga ito sa ibaba.
Ano ang simuno?
Ang simuno ay tumutukoy sa paksa ng pangungusap. Ito ang pinag-uusapan o ang gumagawa ng aksyon. Ito ay maaaring ngalan ng tao, hayop, lugar, pangyayari at iba pa. Ang simuno ay maaaring magsimula sa malaking titik o maaari rin namang hindi. Ang ilang halimbawa ng simuno ay ang sumusunod:
•pusa
•Elena
•ulan
•Maynila
•Pasko
Gamitin natin ang mga ito sa pangungusap.
•Ang pusa ay tumalon sa bubong.
•Si Elena ang pinakamagaling sa aming klase.
•Ang ulan ay nagdulot ng baha.
•Ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas.
•Ang Pasko ang pinakahihintay na araw ng mga
bata.
Ano ang panaguri?
Ang panaguri naman ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng detalye tungkol sa simuno. Nagsasabi ito ng nangyayari tungkol sa simuno. Ito ay maaaring higit pa sa isang salita. Ang ilang halimbawa ng panaguri ay ang sumusunod:
•nagbibigay ng regalo
•maliligo
•ay isang mang-aawit
•naghuhugas ng pinggan
•nagtatanim
Gamitin natin ang mga ito sa pangungusap.
•Si Santa Claus ay nagbibigay ng regalo.
•Maliligo ang mga bata.
•Ang aking kaibigan ay isang mang-aawit.
•Si Miya ay naghuhugas ng pinggan.
•Nagtatanim si Lolo.
Explanation:
I HOPE THIS ANSWER WILL HELP YOU☺️
#KEEP_ON_LEARNING
simuno panaguri halimbawa buong
Nagtitinda simuno panaguri tito juan binasa bigas ang. Simuno bahagi pangungusap buong ayos kayarian. Simuno at panaguri teacher zel youtube
Simuno at panaguri. Bahagi ng pangungusap ano ang simuno at panaguri mga halimbawa. Simuno panaguri ang mga signnow samut pagkilala buong samot nang
Buong simuno at buong panaguri halimbawa. Simuno panaguri. Simuno panaguri ang mga signnow samut pagkilala buong samot nang
ang ano halimbawa mga ng sa anu ito nga aaral mag ba
Panaguri simuno pangungusap ng. Filipino: simuno at panag-uri. Gamit ng pangngalan simuno panaguri layon at
Bahagi ng pangungusap (simuno at panaguri). Simuno panaguri pangungusap panghalip pamatlig halimbawa ang panaklaw panao pananong grade gamit dito iyan examples kahulugan doon diyan ito ayos. Simuno panaguri ano pagkakatulad