Ano Ang Kahalagahan Ng Libro Sa Pag-aaral?​

Ano ang kahalagahan ng libro sa pag-aaral?​

Answer:

Kahalagahan ng libro sa pag-aaral

Sinisimbolo ng libro o aklat sa edukasyon ay ang “karunungan at kaalaman”. Ang mga aklat ay nakatutulong sa pag-aaral at pagkatutuo ng mga mag-aaral dahil ito ay naglalaman ng mga aralin sa iba’t ibang asignatura. Ang mga aralin na nakapaloob dito ay kinakailangang maituro ng mga guro sa mga mag-aaral. Ang mga libro o aklat ay punong puno ng karunungan at kaalaman na dapat matutunan ng mga mag-aaral sa paaralan.

Ang libro ay nagsisilbing katulong ng mga guro upang mahubog, mapaunlad at mapalawak ang kaalaman ng bawat kabataan. Ito ay naglalaman ng di mapapantayang karunungan ng isa o maraming tao sa iba’t-ibang larangan ng buhay. Isa rin itong mahalagang bagay na magpapalalim at magpapalawak ng imahinasyon ng isang mag-aaral. Maraming naidudulot ang pagbabasa ng mga libro sa mga mag-aaral, sa pagbabasa makakatuklas ng iba’t ibang kaalaman, makakapunta sa iba’t ibang lugar dulot ng malawak na imahinasyon at makakaagpaunlad ng bokabularyo na magagamit ng mga mag-aaral sa pang-araw-araw na pamumuhay kaya masasabing ang libro ay napakahalaga sa buhay ng isang mag-aaral at ng isang tao.

Explanation:

See also  Paano Ipinakita Sa Kuwento Ang Pag Mamahal Ng Magulang Sa Anak At Anak Sa Magulang? I...