ano ang kahulugan ng aandap andap (ilaw)
Answer:
Aandap-andap
Ang salitang aandap-andap ay nangangahulugang patay-bukas ang isang ilaw.
Explanation:
Nagaganap ang pag-andap-andap ng ilaw kung nagkakaroon ng mababang supply ng kuryente sa bahay. Mapapansin mo na ang ilaw ay patay-bukas, at maaari itong maganap kung may naka-ambang brownout sa lugar. Ang pag-andap-andap ng ilaw ay maaari mo ring mapansin kung gumagamit ka ng flashlight. Kapa gang bateryang nakakabit sa flashlight ay malapit ng maubos, mapapansin mong mag-aandap-andap ito.
Ang salita katulad ng aandap-andap ay halimbawa lamang ng isang malalim na salitang Tagalog na hindi na gaanong ginagamit sa panahon ngayon. Ang direktang salin nito sa Ingles ay “flickering”.
Narito ang ilan pang halimbawa ng mga malalalim na salitang Tagalog:
brainly.ph/question/2752020
#BrainlyEveryday