Ano Ang Kaibahan Ng Masining Na Pagbigkas Sa Karaniwang Pagbigkas Ng Tula…

ano ang kaibahan ng masining na pagbigkas sa karaniwang pagbigkas ng tula? ​

Tula:

Mga Elemento ng Tula:

anyo

kariktan

persona

saknong

sukat

talinhaga

tono o indayog

tugma

Ang anyo ng tula ay tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula.  

Apat na Anyo ng Tula:

malayang taludturan

tradisyonal

may sukat na walang tugma

walang sukat na may tugma

Ang anyong malayang taludturan ay walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng sumulat. Ang mga tulang isinulat ni Ginoong Alejandro Abadilla ang halimbawa ng mga tulang nasa anyong malayang taludturan.

Ang anyong tradisyonal ay may sukat, tugma, at mga matalinhagang salita. Ang ilan sa mga halimbawa ng tulang nasa anyong tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal.

Ang anyong may sukat na walang tugma ay mga tulang  may tiyak na bilang ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o hindi magkakatugma.

Ang anyong walang sukat na may tugma ay mga tulang walang tiyak na bilang ang pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay magkakasintunog o magkakatugma.

Ang kariktan ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.

Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung minsan, ang persona at ang makata ay iisa. Maari rin naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata. Maaari rin na isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang nilalang.

Ang saknong ay ang element ng tula na tumutukoy sa mga grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.

Ang sukat ng tula ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod ng tula. Ang pangkaraniwang tula ay may walo hanggang labindalawang pantig sa bawat taludtod.

Ang talinhaga ng tula ay tumutukoy sa paggamit ng mga tayutay at matalinhagang pananalita upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.

Ang tono o indayog ng tula ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.

Ang tugma ang elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng tula. Ito ay isang element ng tula na nagbibigay dito ng himig at indayog.

Kahulugan ng Tula:

Ang tula ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin ng makata o manunulat nito.

Mga Uri ng Tula:

liriko o pandamdamin

pasalaysay

dula

patnigan

Ang tulang liriko o pandamdamin ay uri ng tula na tumutukoy sa mga guni – guni, kaisipan, karanasan, at panaginip ukol sa hinagpis, kaligayahan, kalungkutan, pag – ibig, at iba pang emosyon o damdamin. Sa kabila ng pagiging maikli, ito ay sapat upang maipahayag ang damdamin ng manunulat. Ang halimbawa ng tulang ito ay ang Florante at Laura na isinulat ni Francisco Baltazar.

Ang tulang  pasalaysay ay nagsasalaysay ng makulay at mahahalagang pangyayari sa buhay. Ito ay nagkukwento ukol sa tagumpay, kabiguan, kadakilaan, at kahirapan ng taong nakikidigma. Ang halimbawa ng tulang ito ay ang Ibong Adarna na isinulat ni Jose dela Cruz o mas kilala sa tawag na Hoseng Sisiw.

Ang tulang dula ay uri ng tula na binibigkas ng padula. Ito ay karaniwang itinatanghal sa mga entablado at ang mga linyang binibigkas ng bawat karakter ay patula.

Ang tulang patnigan ay uri ng tula na itinatanghal ng mga magkatunggaling makata. Karaniwan itong tinatawag na balagtasan kapag itinatanghal sa entablado.

Mga elemento ng tula: brainly.ph/question/312175

Kahulugan ng tula: brainly.ph/question/664873

Uri ng tula: brainly.ph/question/39620

Hope It Helps  I don’t know the Right Answer

See also  30. Ang Himutok Ni Don Pedro. A. Ayaw Magpakasal Sa Kaniya Ni Prinsesa Leonora B. Ang Pagb...