Ano Ang Kakalasan Sa Hukuman Ni Mariang Sinukuan​

Ano ang kakalasan sa hukuman ni mariang sinukuan​

Answer:

Ang Hukuman Ni Sinukuan

Sa Bundok ng Arayat mayroong naninirahang magandang Diwata. Si Mariang Sinukuan, siya ay isang mabait at makatwirang diwata. Siya ay mayroong hukuman na naging sagisag ng katarungan at pag-ibig.

Isang araw narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ni Ibong Martines kanya itong tinanong kung bakit gayon na lamang ang iyak nito. Sumagot si Ibong Martines sa diwata. Kanyang sinabi ang nangyari sa kanyang pugad. Ang kanyang mga itlog ay basag. Nalaman ni Maria kung bakit nabasag ang itlog. Sinabi nito na kaya nabasag ang kanyang itlog ay dahil sa pagdamba ni Kabayo. Kung kaya ipinatwag ng Diwata si Kabayo, kanya itong tinanong kung bakit ito nagdadamba. Sinabi nito na nagulat ito sa malakas na pagkokak ni Palaka kung ito ay nagdadamba. Kanyang ipinatawag si Palaka ay ito ay kanyang tiananong. Sumagot si Palaka sa Diwata. Sinabi nito na kaya siya kumokak ng malakas sapagkat nakita niya daw na dala ni Pagong ang bahay nito. Si Pagong naman ang ipinatawag ng Diwata at kanyang tinanong kung bakitt nito dala ang bahay nito. Sinabi ni Pagong kung bakit niya dala dala ang kanyang bahay sapagkat natakot siya kay Alitaptap na may dalang apoy. Ipinatwag naman ng Diwata si Alitaptap at kanya itong tinanong. Sumagot si Alitaptap na kailangan daw niyang magdala ng apoy sapagkat si Lamok ay palipad lipad na may dalang itak. Agad ipinatawag ni Mariang Sinukuan si lamok at kanya itong tinanong, sumagot ang Lamok sinabi nito na kaya siya palipadlipad at may dalang itak ay dahil sa kagustuhan niyang gumanti kay Alimango at dahilsa galit niya dumulas ang itak at nagkaroon ng kaguluhan sa hukuman.  Si Lamok ay pinarusahan dahil sa siya ay naging marahas, sa simpleng pagkakaipit niya ang lahat ng mga hayop ay naligalig dahil sa kanyang ginawa. Siya ay pinatawan ng parusang pagkakakulong ng tatlong araw.

See also  Isang Anyo Ng Panulaan Ang Balagtasan​