Ano Ang Kaugnayan Ng Merkantilismo Sa Kolonyalismo

ano ang kaugnayan ng merkantilismo sa kolonyalismo

Ang kolonyalismo ay tuwirang pananakop ng isang bayan sa iba pa para maging makapangyarihan at mapagsamantalahan ang yaman ng sasakupin. Samantalang ang merkantilismo ay kaisipang pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng mga mananakop noong unang panahon. Isinusulong ng ideolohiyang ito na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa pagmamay-ari nito sa maraming ginto at pilak.

Ang kaugnayan ng dalawa ay nasa pananakop. Ang merkantilismo ang kaisipang nagtulak sa mga pinunong gustong-gusto ang pananakop sa pamamagitan ng kolonyalismo. Sinasakop nila ang mga bansang maraming pilak at ginto upang maangkin ang mga ito at maging mas makapangyarihan.

Tingnan ang iba pang pagkakaiba sa link na ito: brainly.ph/question/283429

See also  1.Sila Ang Konsyumer Ng Mga Tapos N Produkto. A.Pamahalaan B.Piskal C.Sambahayan 2.Tumutuk...