Ano Ang Mabuti At Masamang Epekto Ng Kpop? ​

Ano ang mabuti at masamang epekto ng Kpop?

Answer:ang mabuti na gagaya mo yung sayaw at ang masama pag hindi mo na sasayaw yung step

Explanation:

Ano ang mabuti at masamang epekto ng Kpop?

Napapanahon ngayon ang Kpop na kinagigiliwan ng nakararamihan lalo na ng mga kabataan. Sila ay nakakapanood nito mula sa kanilang mga gadgets kung saan kanilang inaabangan ang mga bagong labas na music videos.

Ano ang Mabuting Epekto Nito?

Ang mabuting epekto ng Kpop ay nalilibang at maaaring panglipas oras ang panonood ng Kpop. Karamihan rin ay natututong kumanta at sumayaw dahil sa nagsunod sa kanilang mga iniidolo at mas tumataas ang confidence ng mga nanonood nito. Mas nagiging aktibo rin sila at natututo sa Korean language.

Ano ang Masamang Epekto Nito?

Ang masamang epekto naman ng Kpop ay ang adiksyon na maaaring humantong sa pagkalimot sa iba pang responsibilidad. Maaaring makalimutan ang mga takdang aralin at iba pang gawaing bahay na kailangang tapusin. Maaari ring makababa ng iyong mga grado sa paaralan kung pokus ka na lamang sa Kpop at nakakalimutan na ang makisalamuha sa pamilya.

Ano ang Kailangan?

Disiplina at Pagkontrol.

Ang pagkahumaling sa Kpop ay dapat nasa tamang lugar. Hindi ka dapat malulong sa adiksyon at mapabayaan na ang iyong mga responsibilidad. Magkaroon ng time management. Hindi masamang maging hilig ang Kpop, ang masama ay manatiling tutok sa Kpop hanggang sa hindi mo na kayang umalis sa adiksyon.

________________

#CarryOnLearning

See also  Ano Ang Mga Aspetong Nagtutulak Sa Kagustuhang Mkapagtrbaho Sa Ibang Bansa Ang...