Ano Ang Mga Kilos Na Maituturing Na Makatao At Dapat Mapanaguta…

ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan ipaliwanag

Makatao at Mapanagutang Kilos:

Ang isang kilos ay mapanagutan kung ang hindi pagtuloy sa pagsasagawa ng kilos ay may masamang mangyayari. Sa ganitong pagkakataon, dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan at ito ay ang kabutihan sa sarili at sa iba patungo sa pinakamataas na layunin. Ang makatao at mapanagutang kilos ay gumagamit ng isip, kilos – loob, at may pagkukusa.

Mapanagutang Kilos:

Tatlong Uri ng Kilos Ayon sa Kapanagutan:

  1. di kusang – loob
  2. kusang – loob
  3. walang kusang – loob

Ang di – kusang – loob ay tumutukoy sa paggamit ng kaalaman ng tao ngunit walang pagsang – ayon. Ito ay makikita sa kilos na hindi isinasakatuparan sa kabila ng pagkakaroon ng kaalaman sa gawain na dapat matapos o maisakatuparan.

Halimbawa:

Ang pagkakaroon ng kaalaman ukol sa mga alituntunin ng paaralan na dapat sundin  tulad ng pagsusuot ng ID habang nasa loob ng paaralan ngunit ipinahiram mo ang iyong ID upang makapasok ng paaralan ang iyong matalik na kaibigan dahil ayaw niyang lumiban sa klase.

Ang kusang loob ay tumutukoy sa mga kilos na may kaalaman at pagsang – ayon. Ang taong gumagawa ng kilos ay may ganap na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kanyang mga ginagawa.

Halimbawa:

Ang isang punung  – guro na buong pusong ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang tagapamahala ng paaralan. Sinisiguro niya ang kaligtasan ng mga mag – aaral habang nasa loob ng paaralan, ang kaayusan at kalinisan ng buong paligid upang makaiwas sa anumang sakit na maaaring dulot ng mga lamok at amoy ng basura.

Ang walang kusang – loob ay ang kawalan ng tao ng kaalaman kaya naman walang pagsang – ayon sa kanyang kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya walang pagkukusa.

Halimbawa:  

Ang isang taong nanakit ng kanyang kapwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kanya.

Kahulugan ng Mapanagutang Kilos: https://brainly.ph/question/2355155

Makataong Kilos:

Ang makataong kilos ay tumutukoy sa kilos na isinasagawa ng tao ng may kaalaman, kusa, at malaya. Ang makataong kilos ay bunga ng kaalaman, nilapatan ng isip at kilos – loob kaya naman may kapanagutan sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag na kilos na kinusa, niloob, o sinadya dahil isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay mapanagutan o responsable.

Kahulugan ng Makataong Kilos: https://brainly.ph/question/210991

Karagdagang Kaalaman:

  • Ang pananagutan ay tumutukoy sa mga responsibilidad o tungkulin na kailangang gawin ng isang tao, grupo, o institusyon. Bawat tao ay may pananagutan. Ang mga magulang ay may pananagutan sa kanilang mga anak at ang mga anak ay may pananagutan din sa loob ng tahanan. Ang hindi pagtupad sa mga tungkuln ay nagdudulot ng away at pagtatalo – talo.
  • Sang – ayon kay Aristoteles, ang kilos ng isang tao ay hindi agad nasasabing mabuti o masama. Ang layunin sa paggawa ng kilos na ito ang siyang magpapasiya kung ito ay mabuti o masama.
  • Ang lahat ng bagay ay may likas na dahilan o layunin. Sa madaling salita, ang lahat n gating ginagawa ay may dahilan.
  • Ang kabutihan ay nababasa ng isip na nagdudulot ng pagkukusa sa kilos – loob na abutin o gawin tungo sa pagiging ganap at pagkakaroon ng pansariling kabutihan.  
  • Ang pansariling kabutihan ang syang pinakamataas na uri ng pagbabalik – loob sa Diyos na siyang lumikha sa tao.
  • Dapat piliin ng tao ang pinakamataas na uri ng kabutihan – ang kabutihang pansarili at ng iba upang maabot ang pinakamataas na layunin.
  • May mga obligasyon na kung hindi isasakatuparan ay may magkakaroon ng masamang bunga tulad na lamang ng pagaaral ng mabuti, pagtawid sa tamang tawiran, pagbabayad ng buwis, pag – iingat sa pagmamaneho at pagsunod sa mga batas trapiko at tamang ugaliin sa pagmamaneho, pagtigil sa paninigarilyo. Ang lahat ng mga kilos na nabanggit ay hindi lamang nagbubunga ng hindi maganda sa may katawan ngunit maging sa mga taong may kaugnayan sa kanya tulad ng kanyang pamilya, kamag – aral, katrabaho, at mga kaibigan.

Halimbawa ng Mapanagutang Pagkilos: https://brainly.ph/question/222867


Ano Ang Mga Kilos Na Maituturing Na Makatao At Dapat Mapanaguta…

Ang tao ay may pananagutan sa makataong kilos na kaniyang isinagawa. Paano mo masasabi na ang kilos ay makatao. Gawain sa pagkatuto bilang 4: pumili ng isang simbolo na kakatawan sa

Ano Ang Kahulugan Ng Kilos Loob – Halimbawa

Ano ano ang mga pamantayan sa pagsulat ng sanaysay images and photos. Gawain sa pagkatuto bilang 4: pumili ng isang simbolo na kakatawan sa. Mga larawan ng tao na nagpapakita ng kilos

Gawaing Sa Pagkatuto Bilang Ayon Sa Iyong Nabasa Sa Teksto Isulat | My

2. sa tatlong uri ng kilos na matuturing na makatao, alin ang karapat. Modyul 5: tayahin ang iyong pag-unawa – loveyourself. 5+ ano ang mga kilos na makatao at dapat mapanagutan sikat

, Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Isulat ang tamang panahunan ng mga

Panuto: 1. itala ang mga mahalagang pasiya at kilos na isinagawa mo sa. 5+ ano ang mga kilos na makatao at dapat mapanagutan sikat. Ang tao ay may pananagutan sa makataong kilos ipaliwanag

1.Ano ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan

Gawaing sa pagkatuto bilang ayon sa iyong nabasa sa teksto isulat. 1. ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan. Ang pagkukusa ng makataong kilos5.4 nakapagsusuri ng sariling kilos na

2. sa tatlong uri ng kilos na matuturing na makatao, alin ang karapat

5+ ano ang mga kilos na makatao at dapat mapanagutan sikat. Slogan sa paggalang sa dignidad ng sekswalidad. Panuto: 1. itala ang mga mahalagang pasiya at kilos na isinagawa mo sa

See also  In The Sacrament Of Baptism, Water Symbolizes _____________ And Life. What Is The An...