Ano Ang Mga Layunin Ng Pagsusulat Ng Abstrak. ​

Ano ang mga layunin ng pagsusulat ng abstrak. ​

Answer:

Layunin ng abstrak

Sa pagsulat ng abstrak, dapat ang lahat ng detalye at mga kaisipan ay nakalagay at makikita dito. Hindi maaring maglagay ng mga datos na hindi naman binanggit sa ginawang pananaliksik o sulatin at ang tanging nakalahad lamang ay ang mga pangunahing konsepto at kaisipang sa komprehensibong pamamaraan upang lubos na maunawaan at maintindihan ng mambabasa.  Layunin din nitong mapaikli/mapaiksi sa pamamaraang pabuod ang isang akademikong sulatin tulad ng tesis o pananaliksik.

Kailangan munang basahing mabuti at unawain ang buong papel ng pananaliksik bago magsimulang isulat ang abstrak dahil ito ay bahagi ng isang sulating pananaliksik na naglalaman ng lagom o pinakang buod ng ginawang pananaliksik. Mas mainam kung babasahin at uunawain munang mabuti ang abstrak upang mabuo at maisulat ito dahil ito ang magpapaunawa at magpapaintindi sa mga mambabasa ng naging takbo, bunga at resulta ng ginawang pananaliksik.

Link para sa kahulugan ng pananaliksik:

brainly.ph/question/1480905  

Brainy.ph/question/1434515  

(Kinuha ko lang po itong sagot. kinuha ko po ito para matulungan na din kayo.)

See also  Anu Ang Kahulagan Ng Karaoke​