Ano Ang Mga Pamilyar At Di-pamilyar Na Salita?

ano ang mga pamilyar at di-pamilyar na salita?

Ang pamilyar na salita ito ang mga salitang palasak na sa iyong pandinig o lagi mo ng naririnig sa araw araw.

Halimbawa ng pamilyar na salita at ang kahulugan nito:

  1. tanaw- tingin sa malayo
  2. titigan tingnan ng matagal
  3. pananaw- paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay
  4. iniwan- nilisan,inalisan
  5. napagod- nahapo,nahirapang huminga
  6. maselan- mapili,hindi basta-basta tumatanggap ng anumang bagay
  7. saya- kagustohan,lugod
  8. hinimas- hinaplos
  9. hiwain- padaanan ng patalim, sugatan ng kutsilyo o patalim
  10. Almusal- agahan

Ang di pamilyar na salita ay ang mga salitang hindi mo lagi naririnig sa araw-araw

Halimbawa ng di pamilyar na salita at ang mga kahulugan nito

  1. gunamgunam- alaala, isip
  2. lumilinggatong -nnagbibigay ng kaguluhan sa isip
  3. magpaumat-umat- magpakupad-kupad, mabagal
  4. matangkakal- marunong tumingin,gumagabay
  5. nakabadha- nakahiwatig o nakakita
  6. pagkasi- pagkakaibigan o pakikisama
  7. salaghati- yamot o inis, galit
  8. sanghaya- eksena
  9. sutla- makinis,malambot at makinis
  10. palamara- taksil

buksan para sa karagdagang kaalaman

pamilyar at di pamilyar na salita https://brainly.ph/question/2127414

iba pang halimbawa ng pamilyar at di pamilyar na salita https://brainly.ph/question/720329

10 halimbawa ng pamilyar at di pamilyar na salita https://brainly.ph/question/1201511

See also  Dayalogo: Jaime:Ana! Ana! Bumaba Ka Nga Rito Sandali. Ana:bakit Po Kuya? Ano Po Ba A...