Ano Ang Nalalaman Mo Panimulang Pagtataya Alamin Natin Kung Gaa…

Ano ang Nalalaman Mo
Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na
ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot
1. Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat/kasama na madalas
ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga
kaalaman sa kanyang isipan
A. Pakikinig
B. Pagbabasa, C.Panonood D.Pagsulat
2. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa
ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang
layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan Alin sa mga halimbawa ang hindi
kapangkatkasama ng transakyonal?
A kwento
B.pananaliksik C.sulating panteknikal D.balita
3.Isa itong intelektwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa
pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay
Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang
ginawang pananaliksik.
A. Malikhain
B.Teknikal
C.Akademiko D. Reperensyal
4.Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya
o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
Halimbawa sa guro, pagsulat ng lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum,
para sa doctor o nars – paggawa ng medical report, narrative report tungkol sa
physical examination sa pasyente at iba pa.
A.Malikhain
B. Propesyonal C.Dyomalistik
D. Teknikal
5Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang
magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng
sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang
mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
A.Paksa
B Wika C.Layunin D.Pamamaraan​

See also  Ano Ang Nakita Ni Don Juan Sa Tahanan Ng Ermitanyo?

Answer:

1.B

2.A

3.C

4.B

5.A

Explanation:

KIDDING